Miyerkules, Abril 18, 2012

Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan
ni Amado V. Hernandez

Lumuha ka, aking Bayan: buong lungkot mong iluha
ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika;
ganito ring araw noon nang agawan ka ng laya,
labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila.

Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,
sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libangan;
katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang,
katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!

Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop
na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:
ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;
masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!

Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,
kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.

May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,
may araw ding di na luha sa mata mong namumugto
ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
samantalang and dugo mo ay aserong kumukulo;
sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
at ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!

Republikang Basahan


Ni Teodoro Agoncillo


Republika baga itong busabos ka ng dayuhan?
Ang tingin sa tanikala'y busilak ng kalayaan?

Kasarinlan baga itong ang bibig mo'y nakasusi,
Ang mata mong nakadilat ay bulag na di mawari?

Ang buhay mo'y walang patid na hibla ng pagtataksil
Sa sarili, lipi't angkan, sa bayan mong dumaraing!

Kalayaan! Republika! Ang bayani'y dinudusta.
Kalayaan pala itong mamatay nang abang-aba!

Kasarinlan pala itong ni hindi mo masarili
Ang dangal ng tahanan mong ibo't pugad ng pagkasi.

Malaya ka, bakit hindi? Sa bitaya'n ikaw'y manhik,
At magbigting mahinahon sa sarili na ring lubid!

Kalayaan - ito pala'y mayron na ring tinutubo
Sa puhunang dila't laway, at hindi sa luha't dugo!

Humimbing kang mapayapa, mabuhay kang nangangarap,
Sa ganyan lang mauulol ang sarili sa magdamag.

Lumakad ka, hilain mo ang kadenang may kalansing,
Na sa taynga ng busabos ay musikang naglalambing!

Limutin mo ang nagdaan, ang sarili ay taglayin,
Subalit ang iniisip ay huwag mong bibigkasin!

Magsanay ka sa pagpukpok, sa pagpala at paghukay,
Pagkat ikaw ang gagawa ng kabaong kung mamatay.

Purihin mo ang bayaning may dalisay na adhika,
Ngunit huwag paparisan ang kanilang gawi't gawa.

Republika na nga itong and sa inyo'y hindi iyo,
Timawa ka at dayuhan sa lupain at bayan mo!

Kalayaan! Malaya ka, oo na nga, bakit hindi?
Sa patak ng iyong luha'y malaya kang mamighati!

Sa simoy ng mga hangin sa parang at mga bundok,
Palipasin mo ang sukal ng loob mong kumikirot.

Ksarinlan! Republika! Kayo baga'y nauulol,
Sa ang inyong kalayaa'y tabla na rin ng kabaong?

Repblika! Kasarinlan! Mandi'y hindi nadarama,
Ang paglaya'y sa matapang at sa kanyon bumubuga!

Bawat hakbang na gawin mo sa Templo ng Kalayaan
Ay hakbang na papalapit sa bunganga ng libingan!

Ang paglaya'y nakukuha sa tulis ng isang sibat,
Ang tabak ay tumatalim sa pingki ng kapwa tabak.

Ang paglaya'y isang tining ng nagsamang dugo't luha,
Sa saro ng kagitinga'y bayani lang ang tutungga.

Bawat sinag ng paglayang sa karimlan ay habulin,
Isang punyal sa dibdib mo, isang kislap ng patalim

Lunes, Abril 16, 2012

Buhay Baranggay
Pumili ng batong ilog si Mahayag, kinaskas sa isa pang lapad na bato at napatalim
ang isang gilid, tapos itinali sa hiniwang rattan; 15 minuto lang, may palakol na

- William Henry Scott, tungkol sa taong Tasaday

NUONG unang panahon, ang karaniwang baranggay ay may 30 - 50 pamilya, naninirahan sa mga kubo-kubong nakakumpol sa dalampasigan ng ilog o dagat. Sa mga nakaraang yugto, naungkat nang kaunti ang buhay ng mga unang taong gubat, at muling uungkatin sa mga susunod na yugto kung bakit at ano ang kahulugan ng kanilang paghiwalay sa lipunan. Sa ngayon, balingan naman ang mga unang panahon ng mga taga-dalampasigan, ang mga hindi nagtago sa looban, ang mga humarap sa bukana, ang mga naging magdaragat.
Walang ulat tungkol sa buhay ng mga katutubong magdaragat nuong unang panahon; kung mayroon man, walang tumagal at nakaabot sa kasalukuyan. Subalit maaaring mawari nang bahagya, batay sa kanilang paghanapang buhay [economy]. Kailangan lamang ihiwalay sa sumunod, ang pang-2 panahon ng magdaragat, nang nahalo na sa kanilang buhay ang mga gawi ng ibang bansa, nang nagbago sila at naging mga makabagong katutubo gaya ng dinatnan ng mga Español.
Naging paniwala na datu ang puno ng baranggay ngunit ang pangalang ito ay hiram lamang, dala-dala ng mga lumikas mula Indonesia at Malaysia, kasama ng mga parangal na Gat, Maginoo, Rajah at Sultan, na hiram din mula sa mga taga-India at mga taga-Arabia. Nuong unang panahon ng mga magdaragat, ang mga pinuno ng baranggay ay ang mga iginagalang na nakatatanda, ang mga Ka, Tanda, Manong at mga Mang. Pangkaraniwan silang tao, maliban sa pagiging maalam sa mga lumang gawi at mga matandang dunong, gabay sa halip na hari ng mga kasama. Ang pinuno ng mga baranggay ay naghahanap-buhay din tulad sinuman sa baranggay. Gayon din ang mga magigiting na umaalalay at nagpapayo sa mga pinuno, ang mga pinuno at magigiting na, pagkaraan ng ilang libong taon, sa pagdating ng pang-2 panahon ng magdaragat, ay tatawaging mga Maharlika ayon sa nahiram sa Indonesia at Malaysia, taguring hiram din mula sa India. Nangingisda
Hintay muna: Wala silang datu? Paano napapasunod ang mga tao? Bakit kailangan pang gawing 2 ang panahon ng mga magdaragat? Bakit kailangang usisain ang buhay nila?
Katangi-tanging gawi ng mga magdaragat, sukdulang talinghaga na nakapagbaranggay sila nang libu-libong taon nang walang nag-uutos nang hindi nababali. Dapat pag-aralan kung anong uri ng “pagsunod” sa pinuno ang napairal at baka sakaling may bahid pang nananatili sa kasalukuyan, baka magamit pa sa pag-unawa sa gawi ng mga tao ngayon.
Pinaghati ang panahon ng magdaragat sapagkat 2 uri ng tao sila bagaman kapwa naglipana sa mga karagatan ng timog silangan sa nakaraan. Ang mga magdaragat na dinatnan ng mga Español nuong ika-16 sandaang taon [16th century], maaaninaw sa mga susunod na yugto, ay hayok sa kalakal, yaman, kapangyarihan at karangyaan. Totoong patuloy ang paglalayag, at higit na maraming taong naglalayag nuon kaysa dati, ngunit ang mga rajah-rajah at mga datu-datu ay hindi ang uri ng mga taong sumakop sa malalawak na dagat silangan [Pacific Ocean] at dagat kanluran [Indian Ocean]. Sa katunayan, ilang daang taon nang natigil ang ganuong kalayong paglalakbay nang dumating ang mga taga-Europa sa Asia, nang maging laganap ang pagdadatu-datu at pagrarajah-rajah sa timog silangan [south east].
Marami nang aklat at pagsusuri tungkol sa kung paano nakapaglakbay nang napakalayo ang mga magdaragat nang walang gamit, ngunit wala kahit na hula man lamang kung sino sila, kung bakit walang patumangga nilang tinawid ang mga dagat na animo’y walang hanggan, naghahanap ng...ano?
Mangingisda Ang mga unang taga-baranggay ay mangingisda, araw-araw pumapalaot sa dagat. Sanay mamangka at magdagat simula pa nuong pagkabata sapagkat gawi nila ang maturuan ng mga magulang, wala silang mga ibang guro. Gawi rin na ang mga bata ang nangisda sa ilog at putikan ng mga dalag, ahas, palaka at kung ano pa mang nakakain, pati nang mga itlog ng buaya at pagong. Bakit sila naging mga taga-dalampasigan? Naghanap din ng makakain ang mga taong gubat. Higit na kaiga-igaya ang manghuli ng baboy damo, usa at manok sa gubat kaysa maglatag at bumatak ng lambat sa tubig sa init ng araw. Higit na masarap ang karne kaysa malansang isda, tulya at talaba. Sa kapal ng mga punong-kahoy, malilim at kubli sa gubat, walang takot sa bagyo, supil ang halibas ng hangin, ang init ng araw at ang panganib ng mga mandarambong. Bakit nagpakahirap ang mga taga-dalampasigan? Ang pag-usisa sa mga unang magdaragat ay dapat magsimula dito: Bakit sila umiwas sa buhay gubat?
Asin.
Natuyung tubig dagat na bininbin sa pinagbiyak na kawayan at ibinabad sa araw, laging binabantayan nang hindi mapuno ng hanip, dahon o buhangin, nang hindi matunaw muli sa ulan o alinsangan, nang hindi matabig o manakaw ng kung sinuman.
Ang dahilan, ang unang kalakal, pinagmulan ng pagiging iba ng mga tao, madaling sinundan ng isa pang pangangailangan, ng isa pang dahilan ng pagbabago: tubig. Totoo po, hindi naliligo ang mga taong gubat, dinadaan na lamang sa paglusong-lusong sa mga ilog at lawang tinatawid, kapag nauhaw lamang inisip ang tubig. Ngunit kinailangan nilang magpabalik-balik sa bukana, dala ang ginto, tapang karne at anumang naipagpapalit sa asin ng mga taga-dalampasigan na bilad sa maghapong araw at panganib ng bagyo, laging uhaw at kailangang laging may katabing tubig kaya naging mga taga-ilog sa araw-araw na paggawa ng asin, napilitang nagpatong sa poste ng nakaangat at pangmatagalang tahanang bubong, dinding at sahig sa sikat ng araw, patak ng ulan at basang lupang tutunaw ng imbak na asin. Nabuhay ang bahay kubo. Kahit munti, ang halaman duon ay libu-libong taon nang itinatanim ng mga katutubong hindi na makapaglaboy-laboy sa gubat.
Kundol, patola, upo’t kalabasa, ang mga tanim na dati lamang hinahanap sa gubat at binubunot sa parang ay natutunang ilipat sa tabi-tabi ng baranggay, itanim, alagaan at diligin. Natuto silang magkaingin sa gilid ng gulod ng camote, camoteng-kahoy, gabi at ubi, at saka mayroon pa, taro, ang unang pagkain ng mga magdaragat nuong wala pang kanin, bigas o palay, binitbit hanggang dulo ng dagat silangan [Pacific Ocean] at giliw na pagkain hanggang ngayon sa Hawaii. Naliligo
Sila ay nangangahoy pa rin ng mga hayop, gamit ang sibat, pana, tirador, sumpit, gulok, lubid at lambat, ngunit hindi na sila pumapasok nang malalim sa gubat sapagkat nanduon ang mga taong-gubat, namamahay sa mga punung-kahoy at pinapana, sinisibat o sinusumpit ang sinumang lumapit. At sa dami ng aning camote at gabi sa kaingin, naaari na nilang mag-alaga sa halip na manghuli ng baboy, manok, bayawak at iba pang hayop ng gubat.
Nang naging sanay na sanay na sa tubig, walang tigil silang lumibot sa malalayong dalampasigan at mga katabing pulo upang magkalakal, magmasid at mag-usisa kung saan mainam mangisda, saan maaaring lumipat ang baranggay kung saka-sakali, kung aling baranggay ang mahina at madaling dambungin o nakawan.
Paminsan-minsan, lalo na kung hindi mainam ang ani, lumalaot ang mga lalaki upang mandambong sa ibang baranggay, nakawin duon ang mga gamit at ari-arian, ang aning camote at gabi, ang asin, baboy at manok. Kapag sila ang nadambong, takbuhan ang mga taga-baranggay patakas sa loob ng gubat. Kapag namatay ang pinuno ng baranggay, ang mga kamag-anak at mga alalay, bahagi ng kanilang pagluluksa, ay hindi kumakain, hindi nagsusuot ng ginto o magarang damit hanggang hindi sila nakakadambong sa ibang baranggay o nakakapatay ng ibang tao. Baranggay
Paminsan-minsan, kapag dumadanak ang mga taong gubat at nagiging mapanganib sa mga kaingin sa paligid ng baranggay, sa mga babae at batang naiiwan kapag nangingisda ang mga lalaki, nagpapangkat ang mga lalaki at lulusob, sisindakin, itataboy o papatayin ang mga taong gubat. Inaalipin nila ang iba, lalo na ng mga lumilikas ng gubat upang manirahan kasama nila. Dumarami rin ang mga taong gubat at, dahil hindi gaanong nakapaglalakbay sa pulo-pulo gaya ng mga magdaragat, nauubusan ng nakakain at namamatay ng gutom. Higit na kanais-nais ang maging alipin kahit napipilitang manirahan sa mga kubakob sa gilid-gilid ng baranggay [maaaring pinagmulan ng alipin saguiguilid] at hindi naman malupit sa alipin ang mga taga-baranggay. May mga lumang salaysay na lumalaking magkababata ang mga anak ng alipin at ng mga magdaragat, pangkaraniwang naging magiting o pinuno pa ng baranggay ang anak ng alipin kung matapang at marunong. May mga naaalila din sa mga taga-baranggay, kahit mga kamag-anak o kaibigan. Karaniwan ang mga ito ay mga biyuda o mga naulila, o ang mga walang-muwang sa buhay, mga hindi makabayad sa utang at bagaman may sariling pamilya at bahay ay namumuhay na lamang sa patulong-tulong sa ibang mayaman sa kakayahan bilang utos-utusan, bilang alila [sa ika-2 panahon ng magdaragat, naging mga aliping namamahay sila].
Hintay muna uli: Kung napakaligaya ng buhay nila, bakit sila nag-alisan? Paano nila natawid ang 2 dagat?
Magiliw man at maraming ginto, mahirap pa rin ang buhay ng mga taga-baranggay. Nagtutulungan man sa pagbabanat ng buto, nadadaig pa rin sila sa maraming paraan. Sa kaingin, karaniwang tigang na ang lupa pagkatapos ng 2 o 3 ani, at kailangang sa ibang pook na magtanim. Dagat man din ay nasasalanta, nauubos ang mga isda, tulya at talaba pagkaraan ng ilang taon o ng malakas na bagyo. Nawawala rin ang mga usa, baboy damo at iba pang hayop kapag lumabis ang pangangahoy. Kung lubhang dumami ang mga taong gubat o sumidhi ang bagsik ng mga mandarambong. Kapag minalas, o nakulam ang ilog, kung nagising ang mga halimaw sa gubat o nagalit ang mga anyito. May mga mag-aaway na hindi napagkasundo ng mga pinuno, apaw-dami na ang mga taga-baranggay o nais ng isang magiting na magtatag ng sariling baranggay. O nakapag-asawa ng taga-ibang baranggay, taga-ibang pulo. Baka nais lamang maglagalag, gumala, magbagong-buhay, o nayamot na sa pook.
Maraming paraan, bawat pangkat ay may sariling dahilan, pangkaraniwan, minsan o madalas pa sa buhay ng isang tao, na mag-alsa balutan ang bahagi o ang buong baranggay at lumipat sa kabilang ibayo, kabilang pulo, kabilang dagat.
Madalas, ang nilipatan ay kilala na ng mga magiting, masipag lumaot at pabalik-balik sa iba’t ibang pook at pulo. Nang hindi maligaw, gamit nilang gabay ang araw, buwan at tala, pati na ang kapal at hugis ng ulap, ang lakas at bilis ng alon, ang tungo ng daloy ng dagat [sea current] at simoy ng hangin [wind direction]. Nakakatulong din ang lipad ng mga ibon at langoy ng mga pagong, kung anong ibon o pagong, kung saan patungo. Pati ang linaw, amoy at lasa ng dagat ay alam nilang gamiting panghanap ng ilog - kapag matabang, malapit na o malalim ang ilog; kung maamoy o malumot, ang bukana ay putikan [mangrove swamp]; kung malupa o lasang buhangin, hinulugang taktak [waterfall] o malakas ang agos ng nalalapit na ilog. Baranggay Ifugao
May 2 galing na likas sa mga magdaragat ang hindi pa mawari ng mga nag-agham [scientists]. Sa kung anong paraan, nahuhulaan ng magdaragat kung gaano nang kataas ang araw [sa kasalukuyang wika, kung anong oras na] sa baranggay na iniwan. Sa usisa ng mga nag-agham, halos laging tama ang hulang oras. Sukat sa kaibahan ng taas ng araw sa kinaroroonan, natatantiya ng magdaragat kung gaanong kalayo na ang nalakbay. Isa pang galing, nakikita ng magdaragat ang pagdating ng bagyo, kung minsan isang buong araw bago mabuo ang bagyo, at kung gaano kalakas ito, - at naiiwasan, nakapagkukubli sa pinakamalapit na pulo.
Sa gabi sila nananalangin. Araw at gabi kapag maysakit o may nasugatan. Kasaliw sa panaghoy ng mga pinuno at ng mga matatanda. Mapanganib ang buhay sa paligid ng baranggay. Panglaban lamang nila ay dunong, tapang at karanasan ng mga pinuno, ng mga nakakatanda at ng mga magigiting. Tulung-tulong silang sagupain at itaboy ang mga tao o hayop na pumupuksa sa kanila. Ngunit may mga panganib sa paligid na hindi maaaring sagupain, hindi naitataboy sa dahas.

Anyito At Anting-Anting


Maraming kaluluwa at espiritu, mga anyito, sa mga gubat at libis. Mapagparusa ang mga diwani at bathaluman na naninirahan sa mga tanging punong-kahoy o nag-aalaga ng kagubatan mismo. Pinagdurusa nila ang mga pumuputol ng mga puno o pumapatay ng hayop nang hindi nagbibigay pitagan. Ang dagat man ay pinamamalagian, hindi lamang ng mga pating at mga dambuhala, kundi pati na rin ng mga siokoy o isdang halimaw, at ng diwatang dagat na “kumukuha” sa mga walang galang na magdaragat.
Ang tanging panlaban ay ang mga panalangin at panaghoy ng mga pinuno at ng mga matatanda, at ang mga anting-anting na dapat laging dala - mga batong-buhay, mga piraso ng tinatanging kahoy, bakal o buto ng hayop, mga patpat na may lihim na sulat, at iba pang bagay na mabisang pananggalang sa malas, kulam o halimaw.
Ang kaluluwa ng mga namatay ay nagpapakita at gumagambala sa mga tao. Kailangang pakiusapang lumikas na sa kanilang paroroonan o kakainin sila ng mga multo at iba pang masamang espiritu, at sila man ay magiging multo na rin. Karamihan sa mga anyito ay kaluluwa ng mga ninuno na kailangang laging igalang at bigyan ng alay. Kabaong na Banga
Malupit ang mga nuno sa punso na nayayapakan o natatabig ng mga hindi humihingi ng pasintabi; “nilalait” o sinusumpa [cursed] hanggang magkasakit o malasin sa buhay. Ang tiyanak ay mga kampon ng gubat at gulod na nag-aanyong mga bata o musmos at nakikihalo sa mga taga-baranggay at nayon. “Kinakatuwaan” nila ang mga muhi at pumipintas sa mga tao o hayop ng gubat.
May mga lubhang masasamang nilalang sa gubat at kahuyan na pumapatay ng tao, lalo na sa gabi. Ang mga pangit na tikbalang, kalahating tao at kahalating kabayo, at mga naglalakihang kapre ang dumudukot sa mga naiwang nag-iisa sa bahay. Ang manananggal sa Tagalog, aswang sa Visaya, ay lumilipad sa hatinggabi at kumakain, sinisipsip ang kaluluwa ng mga sanggol ng mga buntis. Nakukunan o nanganganak ng patay [stillborn] na sanggol. Indo healer

Hilot, Arbularyo


Marami sa mga taga-baranggay ang marunong gumamit ng mga tapal na suka, binabad o pinakuluang dahon o langis na hinaluan ng katas ng mga tanging halaman, upang mapagaling ang mga maysakit, nalilipasan o naalibadbaran. Ang mga nagkakasakit ng hindi mahunawa ay ipinapagamot sa mga arbularyo, ang mga dalubhasa sa mga pananim na nakakagaling. Ipinatatawag ng mga may lagnat na hindi humuhupa o ng mga nahihirapang manganak ang hilot, may galing naman sa kamay at kamao. Natutunton at napapagaling nila ang mga hindi namamalayang pilay, pasa o bugbog sa loob ng katawan.

Manghuhula, Mangkukulam


Ang mga hindi maunawaang pangyayari o ang mga malamang mangyayari ang kaalaman ng mga manghuhula sa Tagalog, magtatawas o mananambal ang tawag sa ibang wika. Natatanaw nila ang mga katunayang natatago sa paningin ng karaniwang tao. Gamit nila ay apoy ng parikit, o tubig sa mangkok na may pinalutang na dahon o patak ng mantika ng hayop o langis ng niyog. Pagkapanahon ng Español, gumamit na rin sila ng baraha, kandila, gasera. Ang iba ay nakakabasa ng mga hibla ng dahon, ng guhit sa palad, ng mga puyo sa ulo, tubo ng mga nunal, at hugis ng kulugo sa katawan. Bangang Kabaong
Sa Indonesia at Malaysia na tinungo at pinanggalingan ng mga magdaragat, ang mga manghuhula ay gumagamit ng bituka ng kambing o iba pang hayop, ang mga kaliskis ng ahas o balahibo ng manok o ibon.
Ang mangkukulam sa Tagalog, magbabarang sa ibang lugar, ay maalam sa hiwaga at nagagamit ang “galing” sa mabuti o sa masama. Karaniwan silang sinasangguni ng mga taga-baranggay na nakulam, minumulto, nasumpa o “nakakatuwaan.” Gumagamit sila ng mga bahagi ng ahas, ibon, tutubi [dragonfly], bubuyog [bee], balang [beetle], putakti [wasp], higad [centipede or caterpillar] at mga natatanging halaman upang kalabanin ang hiwagang nagpapahirap at malamang pumatay sa tao.
Ang iba ay gumagamit ng usok ng sinunog na dahon o tangkay, hihipan ang mukha at katawan ng nakakatuwaan. Ang iba ay gumagamit ng pisi, sinulid o buhok; ang iba naman, baga ng uling. Lahat sila ay nananalangin, nanaghoy, bumubulong sa mga espiritu. Sinasangguni rin sila ng mga nais ipakulam ang mga walang utang na loob, ang mga lapastangan o ang mga kaaway. Kung minsan, matagal ang paglalaban ng mga mangkukulam, isang nagpapahirap, isang nagpapagaling.
Nanatili pa sa liblib at ilang na pook, ngunit naglalaho na sa kalawakan ang mga talinghagang ito, at umuunti na ang mga taong may “galing” sa mahiwaga. Pailan-ilan na rin lamang ang mga katutubong magdaragat, mabibilang daw sa mga daliri, lahat ay nasa gitna ng dagat silangan [Pacific Ocean] at malamang maglaho na ang dunong at “galing” sa pagdaragat kapag namatay na sila.
Mabalik sa tanong na Walang datu, paano napapasunod ang mga tao? Maaari nang sagutin ngayong nailahad na ang mga gawa at hinawa ng mga taga-dalampasigan. Ang sinusunod ng mga tao ay ang mga dating gawi. Maliban sa mga alipin at sa utusan, hindi nag-uutos ang mga pinuno at mga magiting ng baranggay. Hiling lamang at payo ang ibinibigay nila, pakikisama at hindi pagsunod ang inaasahan nila. Sumasakit ang kalooban at malamang maglayas ang magdaragat kapag nautusan o napaghigpitan nang hindi kaugnay sa mga dating gawi. Kailangan kayang alalahanin ito sa pakikitungo sa mga kasalukuyang Pilipino?

Ang ating Pinagmulan2

Ang Mga Magdaragat
Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan
Ay hindi makakarating sa paruroonan

- Sawikain

NAGBALIK ang dagat.
Mula nuong 18,000 taon SN, unti-unting natunaw ang mga yelo ng tag-ginaw [ice age glaciers] hanggang nuong 8,000 taon SN, nahugis ang Pilipinas na kilala ngayon. Sa loob ng 10,000 taong iyon, nagkapira-piraso at naging pulo-pulo ang dating malawak na lupain ng Sunda, na ngayon ay ang mga kapuluan ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas. Sa gubat-gubat ng mga bago at lumiliit na mga pulo, nabinbin sa gilid ng tumataas na dagat ang pangkat-pangkat ng mga taong kikilalanin sa mga darating na panahon na mga Tagapulong Timog o Austronesians [people of the southern islands]. Sila, ang magiging ninuno ng mga Pilipino, mga Indonesian at mga Malaysian, ng mga Hawayano at ng mga tao sa pulutong ng lupa sa Pacific Ocean, tinatawag ngayong Polynesia o pook ng maraming pulo. Moai
Sila, ang mga Tagapulong Timog, ang magiging mga magdaragat [seafarers], pinaka-una sa daigdig.
Nasanay sa libu-libong taon ng pagbabalsa at pamamangka sa mga ilog at lawa sa Sunda, natuto silang magsagwan at maglayag upang marating ang mga pook na dati ay nilalakad lamang nila. Kalagitnaan pa lamang ng pagkatunaw ng mga yelo ng tag-ginaw, mahigit 11,000 taon SN, naglayag na sila papulo-pulo sa timog-Pilipinas, sakay ang kanilang mga baboy, manok, camote, gabi at ibang mga pananim. Sa sumunod na libu-libong taon, nasanay silang maglayag nang palayo nang palayo, natuklasan munang patulisin at patayugin ang magkabilang dulo ng bangka, panghiwa ng matatayog na alon at pananggalang sa apaw ng hilab ng dagat. Sumunod, nalikha nila ang paggamit ng katig [outrigger] upang hindi maitaob ng hampas sa tagiliran ang bangka sa lawak ng dagat. Sa wakas, natutunan pagkabitin ang 2 magkatabing bangka, ang tinawag na catamaran, upang dumami ang maisasakay, ang lahat ng gamit, ang buong pamilya. Upang hindi masunog sa araw, hindi mabasa sa ulan at pisik ng alon ang pagkain at gamit, nagtayo ng maliit na kubo sa gitna ng bangkang tinawag nilang balanghay.
Tunay na magdaragat na sila.
Mula sa Visayas at Mindanao, naglayag sila sa lahat ng matutungo. Karamihan ng mga narating nila ay walang mga tao, at sinakop na lamang agad. Sa mga pook na may mga tao na, nakisukob at nakihalo sila at naging mga tagaruon na. Kapag ilan-ilang tao lamang, kaya nilang gapiin, sinakop nila ang mga katutubo [natives] sa pamamagitan ng lakas at dahas. Yami bangka
Pangkat-pangkat ang dumayo papuntang hilaga [north]. Sa daan-daang taon, nabagtas nila ang buong Luzon, nasakop nila ang pulo-pulo ng Batanes hanggang, mahigit 9,500 taon SN, isang pangkat, ang mga Yami, ang nakarating sa Taiwan [ang dating Formosa], ang pulo-pulong mahigit 150 kilometro na lamang ang layo sa China. Hanggang ngayon, isa sa mga pulo ng Batanes ay tinatawag pang Yami, tahanan ng mga alamat, awit at sayaw sa kawayan na binitbit nila sa Taiwan. May nalalabi pang Yami sa pulo ng Lanyu sa tabi ng Taiwan, bagaman at karamihan ng mga kabataan, pati na ang mga dating sumasakop sa Taiwan mismo ay nakahalo na sa mga Intsik na dumayo duon nuong 1949 mula sa China, at naging mga Intsik na rin. Yami tao
Sapantaha na narating ng mga Yami ang China, walang dahilang hindi magtuloy duon ang iba’t ibang pangkat, at nasakop daw ang mga dalampasigan sa timog [sourthern coasts] hanggang lalawigan ng Guandong sa kanluran. Salat sa katibatayan ang sapantaha, batay lamang sa katotohanang sa libu-libong taon bago dumating sa China ang mga taga-Europa, tanging ang mga taga-Guandong lamang - ang mga taga-Amoy, Canton, ang mga taga-Fujian [Fukien] - sa buong China ang nagkaroon ng gawi ng mga magdagat [seafaring tradition].
Patungong kanluran [west], naabot ng mga magdaragat ang puso ng dating malawak na Sunda, ang mga tinatawag ngayong Borneo, Malaysia at Indonesia 8,000 - 9,000 taon SN. Nadatnan nila duon ang mga kauring tao, mga kapwa Tagapulong Timog na dating kaugnayan nila nuong buo pa sa ibabaw ng dagat ang Sunda. Mula duon, patuloy na kumalat ang mga magdaragat. Pahilaga [northward], binagtas nila ang malaking pulo ng Sumatra; nasalubong nila nuong 2,500 taon SN ang dumadanak ding mga taga-kanlurang timog [southwest] China, sa mga lupang tinatawag ngayong Vietnam at Thailand. Timog Asia
Patuloy sa timog [south] mula sa mga pulo ng Borneo, Mindanao at Sumatra, nalibot ng mga magdaragat ang malaki ring pulo ng Java, ang bunduking Sulawesi [dating Celebes] at kapuluan ng Maluku [ang dating Moluccas, ang Spice Islands] kung saan, nuong 3,600 taon SN, nakatagpo nila ang mga tao ng timog [Austroloids] sa mga pulo-pulong katabi ng Australia na tinatawag ngayong New Guinea at Melanesia.
Pasilangan [eastward], sinakop ng mga magdaragat ang mga tiwangwang at walang taong pulo-pulo ng Pacific Ocean, ang Palau, Saipan at Guam ng ngayong Marianas Islands, ang Micronesia at Marshall Islands hanggang nuong 2,000 taon SN, naabot nila ang Hawaii - 8,000 kilometro mula Pilipinas at 4,000 kilometro na lamang mula California, sa America. Nuong 1,600 taon SN, narating ng isang pangkat ng magdaragat ang pulo ng Rapanui [Easter Island], mahigit 11,000 kilometro mula Mindanao at kulang-kulang 4,000 kilometro na lamang hanggang South America.
Samantala, ang mga anak-anakan [descendants] ng mga nagka-ugnay na magdaragat sa Maluku, Indonesia, ay nagpatuloy ng balikang paglalayag patawid sa malawak ding dagat sa kanluran, ang dagat ng India [Indian Ocean]. Simula nuong 3,900 taon SN, nakipagkalakal at nakipag-ugnay sila sa mga Tamil, ang mga tagapulo ng Sri Langka [dating Ceylon] at mga tagatimog ng India. Pagkaraan ng 200 taon, nuong 3,700 taon SN, natawid nila ang buong lawak ng dagat ng India at, mahigit 5,700 kilometro mula Indonesia, sinakop nila ang malaking pulo ng Madagascar, sa tabi ng Africa. Sapantaha ng mga nag-agham [scientists] na nabagtas nila ang nalalabi pang 500 kilometro ng dagat hanggang Malawi, Africa. May larong sungka duon, ang tawag ay warri. May pangkat-pangkat din duon na nagkukubo-kubong nakapatong sa tukod, gaya ng mga kubo sa Pilipinas at kaiba sa karaniwang kubo sa Africa, na nakapatong lamang sa lupa. Ipinakita sa dokumentaryong pelikula, Five Camels, nakatalungko sa hagdanang patpat sa harap ng pintuan ng kubo ang 3 Afrikanang nanay, nagkukutohan at tsismisan kung gaanong katanda at kapangit ang asawa ng mga anak nilang babae.
Daigdig
Mula sa Visayas at Mindanao, naglayag ang mga magdaragat patungung silangan hanggang narating ang Hawaii at Rapanui (Easter Island). Sa timog, narating nila ang Sulawesi (Celebes) at Maluku (Moluccas). Sa kanluran, nanirahan sila sa Malaysia at Indonesia. Sa hilaga, sinakop nila ang Taiwan. Mula Sumatra at Malaysia, naglakbay ang iba sa Vietnam at Thailand. Mula Maluku at Java, nagkalakal sa India, tinawid ang dagat India at dinayo ang pulo ng Madagascar at ang katabing Africa.
-- oOo --
Ang mga anak-anakan ng mga magdaragat at mga tao ng timog, ang mga mestizong tinatawag ngayong mga Melanesian, ay naglayag na rin at sinakop ang mga kapuluan ng Solomon [Solomon Islands], Caroline [Caroline Islands] at Caledonia. Ang mga anak-anakan naman ng mga magdaragat sa Micronesia, Marshall Islands at iba pang pulo sa gitnaang dagat silangan [central Pacific] ang sumakop sa mga timog pulo-pulo ng Samoa, Tahiti at Tonga. Nuong 1,000 taon SN, natuklasan ng isang pangkat ng mga magdaragat, ang mga Maori, ang mga pulo ng New Zealand, ang pinakahuling lupain sa daigdig na sinakop ng tao.
Hintay muna: Sa Visayas at Mindanao lahat nanggaling? Sino sila, mga Visaya?
Ang mga taong tinatawag ngayong Visaya ay anak-anakan [descendants] ng maraming nag-ugnay na mga tao, karamihan ay mga magdaragat [Austronesians]. Bagaman galing sa mga unang tao [aborigines], sa libu-libong taon na nagdaan simula nuong unang naglayag, malamang malayo ang anyo at gawi nila sa mga kasulukuyang Visaya. Sa ganito ring dahilan, hindi mainam na tawaging mga taga-Mindanao, o kahit na Pilipino, ang mga unang magdaragat, gayung kasama sila sa pinagmulan ng mga tao sa Pilipinas. Sakay Java
Nuong unang panahon, hindi na abot ng alaala, ang mga Tagapulong Timog o Austronesians ay namuhay pangkat-pangkat sa mga gubat at dalampasigan ng mga ilog at lawa [lakes] ng timog Asia. Malabo ang kanilang pinanggalingan, pinagtatalunan pa ng mga nag-agham sa pasimula ng tao [archaeologists]. Dating paniwala na galing sila sa timog-kanluran ng China at mga tuktok-hilaga ng Laos, Thailand, Vietnam at Burma. May nagsasabi namang mula sila sa Ngandong o Solo Man ng Java, sa Indonesia, na may 150,000 taon ang tanda, na anak-anakan naman daw ng Java Man, natunton sa kulang-kulang 1.7 milyong taon SN. Ayon sa ibang nag-agham, pinangunahan ni Stephen Oppenheimer, sila ang mga katutubo [aborigines] ng Sunda nuong bago pa nagsimula ang katatapos na tag-ginaw [ice age] nuong 18,000 SN. Ang tiyak lamang ay matanda silang higit nang ilang libong taon kaysa sa taong Mongolia [Tibetan-Sino Intsik, dating tinawag na lahing mongoloid] na unang natunton sa tuktok-hilaga ng China na naging ninuno ng mga Intsik, Mongolian, Koreano, Hapon, Inuit [Eskimo] sa Alaska, at karamihan ng mga katutubo ng America [American natives].
Kung saan man nagsimula, dating nabuhay duon ang mga Tagapulong Timog hawig sa Negrito, palaboy-laboy at nangangahoy. Unti-unti silang natutong manirahan sa kubo-kubo, nagtanim sa mga bakuran, nag-alaga ng baboy at manok. Natuto silang magkaingin ng camote at gabi sa pali-paligid. Nangisda sa ilog at dalampasigan ng mga lawa at ng dagat, natuto silang magbangka, natutuhan nila ang dagat. Umunlad sila, dumami. Maaaring nakatagpo nila sa kanlurang timog ng China [southwest China] ang dumarami ring Intsik mula sa hilagang Asia, malamang hindi - pagkatuklas ng palay sa Thailand, isang libong taon ang lumipas bago nagsaka ang mga Intsik. Malamang din na ang mga taga-Visaya at Mindanao ang naging unang magdaragat, at hindi ang mga taga-Thailand o mga taga-Indonesia. Eusebio Dizon
Ayon kay Keith Rankin ng Australia, walang dahilang magdagat ang mga taga-Thailand, Malaysia at Indonesia, katabi ng malawak na lupain ng Asia, upang dumanak. Ang mga gipit daw sa maliliit na pulo sa Visayas at Mindanao ang napilitang maglayag sa dagat. Sabi naman ni Eusebio Dizon, director sa National Museum of the Pilipino People, na higit ang tanda ng mga natuklasang gamit sa Mindanao kaysa Luzon at Batanes, kaya malamang galing sa timog at hindi sa China ang mga unang tao sa Pilipinas.
Hintay muna: Ano ang nangyari sa migration waves ng mga Negrito, Indonesian at Malay papasok sa Pilipinas? Hindi ba sila ang naging mga Pilipino?
Paumanhin po, ang nais umiwas sa mahabang paliwanag at lumaktaw sa susunod na yugto, pitikin itong Buhay Baranggay, salamat po.
H.O. Beyer Nuong 1947, minungkahi ni Henry Otley Beyer, dalubhasa sa unang panahon ng Pilipinas, na may tao na sa timog-silangang Asia nuong 250,000 taon SN, gaya ng taong Java [Java Man], na ninuno ng 2 pangkat ng maitim na mga unano na nagpasimula ng migratory waves. Nagkataon namang nuon inilalathala ang mga aklat para sa mga itinatatag na mga paaralang bayan [public schools] kaya naging laganap ang mga pahayag ni Beyer hanggang ngayon dahil, sa kakulangan ng salaping pambili ng bago, hindi pa pinapalitan ang mga librong paaralan.
  1. Negrito wave: Umpisa 30,000 o 25,000 taon SN hanggang 10,000 taon SN. Pandak, maitim, kulot-kulot ang buhok, bilog at itim ang mata, pango ang ilong, bulatlat ang labi, nakabahag o hubad, walang pananim, palaboy-laboy, naghahanap ng makakain, hindi marunong sumulat, bumasa, o mamangka sa dagat. Hawig sa mga Negrito sa kasalukuyan, naglakad sila mula sa timog sa mga tuntunang lupa na lumitaw sa pagbabaw ng dagat nuon. Karaniwan sa mga aklat, may larawan o guhit ng isang marumi at gutom na Aeta, malamang nakitang nangangahoy sa gubat o nagbubungkal ng basurahan.
  2. Indonesian A wave ang itinawag ni Beyer, sa mga nag-umpisang dumating nuong 5,000 taon SN, sakay sa mga bangkang pandagat. Matangkad, karaniwang 5’6”, ang ilan ay umaabot ng 6’2” [basketball player], balingkinitan, maputi ang balat, matangos ang ilong, nakabahag rin. Gamit din ay bato, gaya ng mga Negrito.
  3. Indonesian B ang itinawag sa sumunod na wave, nagsimula nuong 3,500 taon SN, naglayag mula sa timog China at Vietnam, patungo sa Luzon at sa Taiwan. Hindi kasing tangkad, hindi kasing balingkinitan, hindi kasing puti, malapad ang tungkil ng ilong, nakabahag pa rin o nakalampin na gawa sa pinitpit na talukap ng mga punong-kahoy [tree bark cloth]. May larawan o guhit ng isang panghal na Igorot, hampas-lupa rin, baka namataang nagsasayaw at namamalimos sa kabayanan.
  4. Ang unang Malay wave ay nagsimula nuong 2,200 taon SN hanggang 1,900 taon SN at, higit na maunlad, ay naging ninuno ng mga umukit ng mga suson-susong palayan [rice terraces] sa Cordillera [Mountain Province]. Marunong maghawi ng tela.
  5. Ang pang-2 Malay wave ay nagtagal hanggang nuong 1200 AD at naging ninuno raw ng mga Kapampangan at mga Tagalog. Marunong magpanday ng bakal at gumawa ng palayok, at mayroon nang sariling pamahalaan.
  6. Ang huling Malay wave ay natapos nang dumating ang mga Español nuong 1521. Katamtaman ang tangkad, katamtaman ang kulay, pango ang ilong, balingkinitan. Ang larawan ay isang Muslim, mapusok at suot lahat ng alahas at sandata, o isang taga-Manila, bagong paligo at suot ang damit pansimba, matikas at masunurin.
Scott
Bagaman at malaki ang utang na loob kay Beyer sa pasimula ng ginawa niyang pag-usisa sa nakaraan ng Pilipinas, madali at masikap na tinanggihan ang kanyang mga panukala. Hindi batay sa mga katibayan, sabi ni Eusebio Dizon, director ng National Museum of the Pilipino People. Saliw ni William Henry Scott, manalaysay [historian] ng Pilipinas, na hindi angkop na taningan ang mga tao batay sa paggamit ng bato o bakal dahil bato pa ang gamit ng maraming karpinterong gumawa sa Intramuros nuong panahon ng Español, panahon na ng bakal [Iron Age].
Hanggang kailan lamang, sabi niya, kahoy pa rin ang gamit ng mga Igorot sa pagpala at pagsaka ng kanilang suson-susong palayan, hindi bakal. Kaya daw hindi angkop sa Pilipinas ang taning na gamit sa Europa at iba pang bahagi ng daigdig - ang panahon ng gamit na bato [stone age], sinundan ng panahon ng tanso [bronze age], at ng panahon ng bakal [iron age] - sapagkat walang sapat na tansong naipon sa Pilipinas upang magkaroon ng panahon ng tanso. Higit na mainam daw na kilalanin sa kapuluan ang panahon ng gamit na bato, sinundan ng panahon ng bakal, at ng panahon ng porselana [porcelain age].
Sa halip ng paggamit ng bato o bakal, hayag nuong 1975 ni F. Landa Jocano, dapat taningan ang unang panahon ng Pilipinas sa pagkapag-sasariling pag-unlad [independent development] ng mga katutubo, hiwalay sa pagbabagong naganap sa ibang bahagi ng timong silangang Asia:
  1. Pagsimula [Formative period] mula nuong 500,000 taon SN, nang dumating ang mga unang tao sa Tabon, Palawan, at tumagal nang 250,000 taon. Nagsimula ang pagtanim ng makakain at ang paggawa ng palayok, banga at tapayan.
  2. Pag-uugat [Incipient period] nang nagsimula ang pagpanday ng bakal, napaghusay ang pagpapalayok, natutong magpalamuti ang mga katutubo at nagsimula ang kalakal nang malayuan, lalo na ang jade at mga alahas na salamin mula China.
  3. Pag-usbong [Emergent period] tumagal hanggang 100 AD, o 1,800 taon SN, nang sa paglawak ng kalakal, unang dumating ang mga gawi na hiram mula India at natapos ang pagkapag-sasarili ng gawing Pilipino. Dito nabuo ang pamamahala at pagsamba ng mga Pilipino.
Solheim
Sang-ayon kay Jocano si Wilhelm Solheim 2, nagdalubhasa sa mga unang panahon sa Pilipinas at ibang bahagi ng timog-silangang Asia, tungkol sa pagkapag-sasariling pag-unlad ng Pilipinas, ngunit binago niya ang mga taning nuong 1981. May pasubali siya na hindi lahat ng katibayan ay sang-ayon sa kanyang taning, at maaaring mapag-iba ng mga bagong katibayang matuklasan:
  1. Panahong Nalaos [Archaic period], simula nang unang dumating ang tao sa Pilipinas at tumagal hanggang 7,000 taon SN
  2. Napipintong Pagtubo [Incipient period], mula nuong 7,000 taon SN hanggang 3,000 taon SN
  3. Pasimulang Mabuo [Formative period], mula nuong 3,000 taon SN hanggang 500 AD o 1,500 taon SN.
  4. Tatag Nang Pilipino [Established Filipino], nagsimula nuong 500 AD o 1,500 taon SN, at natapos nang dumating ang Español nuong 1521. Halos pulos kalakal na lamang nuon, sabi ni Solheim.

Ang mga pagkakamali ni Beyer na pinaniniwalaan ngayon ng halos lahat ng mga Pilipinong nakapag-aral, ay nagmula sa
  • Kakulangan ng mga katibayan nuon dahil kasisimula pa lamang nuon ang pag-uusisa sa unang panahon ng Pilipinas. Katunayan, isa si Beyer sa mga nagsimula.
  • Paniwalang may katuturan ang lahi [race].
  • Makalumang pag-akala na tuluy-tuloy ang pag-unlad ng tao mula nuong unang panahon, at ang pinakabagong tao ang pinakamaunlad.
  • Saliwang pag-unawa sa panukala ng pagbabago [Theory of Evolution] ni Charles Darwin na ang higit na napagbago [the more highly evolved] ang nananaig at nakatakdang magwagi.
Java
Tungkol sa petsa ng pagdating ng mga Indonesian at mga Malay: Wala namang pulis nuong 5,000 taon SN na nagta-traffic sa Kuala Lumpur, Malaysia, ‘Hoy, hindi pa kayo pueding pumunta sa Pilipinas! Panahon ngayon ng Indonesian waves! Kelangan maghintay kayo!’ Tapos, sa Jakarta, Indonesia naman nuong 2,200 taon sa nakaraan, ‘Naku, di na kayo pueding pumuntang Pilipinas! Tapos na ang wave nyo, panahon na ng Malay waves ngayon!
Totoong nagpuntahan dito ang mga taga-Indonesia at taga-Malaysia, ngunit pailan-ilan at karamihan sa kanila ay tumigil muna nang matagal at nagmula sa Borneo. Totoo ring palitan ang lakbay ng mga tao - habang dumarating ang mga dayuhan, lumilisan naman ang ibang pangkat-pangkat ng mga taga-Pilipinas. At walang petsa-petsa ang layag nila; kung naglakbay ang mga taga-Java at taga-Sumatra, bakit papipigil ang mga taga-Kuala Lumpur at taga-Sulu? Indonesian
Isa pang batayan sa paghula ay ang paglawak, at pagbuwis, ng mga kaharian sa mga kalapit, at ang dunong at kabihasnan mula sa mga iyon na dala ng mga lumikas sa Pilipinas. Gaya ng Sri Vijaya, mga maka-Buddha [Buddhist] na naghari sa pulo ng Sumatra, sa Indonesia, nuong 650 hanggang 1290 AD; ng maka-India na kaharian ng Majapahit sa katabing pulo ng Java, sa Indonesia rin, nuong 1292 hanggang 1478 AD, at ng Malacca sa Malaysia naman, nuong 1399 hanggang 1511 AD, na naging Muslim nuong 1450 AD.
Ang mga panahon ng pagdating sa Pilipinas ay tantiya lamang batay sa mga iba pang pangyayari sa pali-paligid: Ang panahon ng makalumang gamit na bato ay 2 milyon taon SN hanggang 40,000 taon SN; gamit daw ng mga Negrito. Ang panahon ng makabagong gamit na bato ay umabot ng 4,000 taon SN, gamit daw ng mga Negrito at Igorot, nagtayo ng unang bahay na kahoy. Magkakahiwalay nag-umpisa ang panahon ng tanso [Bronze Age] sa Middle East nuong 5,500 taon SN, sa China nuong 4,500 - 4,000 taon SN, at sa Thailand nuong 3,500 - 3,000 taon SN. Gamit daw ng mga huling Indonesian at mga unang Malay, ngunit ang panahon ng bakal [Iron Age] ay nagsimula sa Egypt nuong 3,350 taon SN at maaaring dala ng mga sumunod na Malay.
Maraming dumating sa Pilipinas nitong bandang huli na bato pa rin ang gamit dahil lubhang magastos ang bakal nuon. Panahon na ng Español, bato pa rin gamit ng maraming karpintero at magsasaka sa Luzon, kaya mahirap hulaan kung kailan dumatal ang kanilang mga ninuno. Mahiyain
Tungkol naman sa waves: Kalahating milyong tao lamang ang tantiyang nasa Pilipinas nang dumating ang mga Español; higit pang maraming tao sa Quiapo kaysa buong Pilipinas nuon. Higit na angkop sabihing patak-patak lamang ang dating ng mga dayo, hindi alon-alon; baka ambon-ambon pa. Ang maaari lang tawaging waves sa kasaysayan ng Pilipinas ay ang mga balikbayan waves, lalo na kung Pasko!
Hintay muna uli: Wala bang katuturan ang lahi? At ano ang silbi ng evolution kundi ang magwagi?
Maaaring pinaghiwa-hiwalay ng mga Amerkano ang mga dumayo sa Pilipinas dahil sakop ng Holland ang Indonesia at sakop naman ng Britain ang Malaysia. Politika, hindi lahi, sapagkat natuklasan ng mga nag-agham [scientists], Amerkano pa ang iba, na iisang “lahi” ang mga taga-Pilipinas, taga-Indonesia at taga-Malaysia. At tiyak na nila ngayon na patuloy-tuloy ang balik-balikan nilang paglalayag kahit na nuong nakarating na rito ang mga Español. Sa katunayan, ang mga Español ang nagpigil sa paglalakbay dagat ng mga katutubo.
Natanto rin ng mga nag-agham [scientists] na walang batayan upang paghiwalayin o pagsamahin ang mga tao sa lahi-lahi. Ang kulay o puti ng balat ang unang ginawang batayan nuong ika-17 sandaan taon [17th century] ni Johann Friedrich Blumenbach, ginaya ang pag-uuri ng mga nag-agham nuon ng mga halaman at hayop. Ang mga palalong gaya nina Joseph Arthur Gobineau at Houston Stewart Chamberlain, ginamit ang “lahi” upang patunayan na higit na magaling ang mga puting tao.
Ito ang batay na ginamit ng mga Nazi nang puksain nila ang mga Hudyo sa Europa nuong World War II. Ito rin ang ginamit sa pagmamalupit ng mga puti sa South Africa nuong panahon ng apartheid. Ito rin kaya nililibak ng mga bata ang mga Aeta, natutunan nila sa mga matatanda, na natuto sa mga Español at Amerkano na ang mga maputi lamang ang dapat maging nakatataas sa mga may kulay na nasasakop, gaya ng Pilipino. May katuturan lamang ng “lahi” kung nais puksain o alipinin ang mga kaibang tao. Natanto ng mga nag-agham [scientists] na:
  1. Ang pagkakaiba ng mga taong “magkakalahi” ay higit pa kaysa sa pagkakaiba ng mga taong magkakaiba ang lahi.
  2. Ang maputi, gaya ng tingin ng Pilipino sa Intsik, ay hindi maputi sa tingin ng ibang tao, gaya ng turing ng mga taga-Europa sa Intsik, gaya ng tingin ng mga taga-hilagang Europa sa mga taga-Mediterranean Sea tulad ng mga Portuguese at mga Español. Lahi
  3. Ang mga minanana sa magulang lamang ang maaaring gamitin sa pagsasama ang tao sa isang grupo, o paghiwa-hiwalay sa iba’t ibang grupo - hindi ang kulay ng balat o ang panlabas na hitsura, kundi ang dugo, buto, ipin at iba pa nasusukat ng agham. Ang mga usisa ay naghahayag ngayon ng sali-salibat: Ang isang tao ay maaaring makasama sa 2, 3 o ang lahat na 4 “lahi,” Mongoloid, Negroid, Caucasoid at Australoid! Maraming ganyan ngayon sa Manila, mestizo ang mga lola at lolo, mestizo rin ang nanay at tatay.

Dahil dito, hamuki ng mga nag-agham [scientists] na ang “lahi” ay nasa paningin, at gawa-gawa lamang ng isip, hindi tunay na pagkakaiba ng mga tao. Maitim, maputi, pandak, matangkad, pango, matangos, kulot, singkit, atbp, - walang katuturan ang lahi-lahi. Pakiusap lang, po! Huwag pagpalitin ang lahi [race] at gawi [culture], at lalong hahaba ang usapan.
Lubha ring mahaba ang pagtatalo ukol sa panukala ng pagbabago [Theory of Evolution] nina Charles Darwin at Alfred Russell Wallace upang ilahad dito kahit munting bahagi, maliban sa 2 dahilang sinadyang mali ang pag-unawa mga nais magsamantala sa kapwa:
  1. Tanging tangka ng panukala ang ipaliwanag kung paano naglaho ang mga wala na sa daigdig [extinction], at kung bakit nagkaroon ng kasalukuyang anyo ang mga buhay pa [species differentiation].
  2. Ang katuturan ng pagbabago ay hanggang sa pagkakaroon lamang ng mga anak na magmamana ng mga bagong katangian, at magpapasa ng mga katangiang ito sa kanilang mga anak din, na magpapasa rin sa kanilang mga anak...

Walang nilalaman ang panukala tungkol sa kung sino ang magwawagi o matatalo. Lalo nang walang pahiwatig kung ano ang mangyayari sa kinabukasan, walang paki ang panukala ukol sa pagyaman o paghihirap ng mga magulang. Sa madaling sabi, kailangan lamang ang pagbago upang hindi maglaho sa harap ng mga matagalang pangyayari na hindi masupil o makayanan sa ibang paraan. Kaya ito na lang ang masasabi upang maipinid na ang paksa:
Nang bumalik ang dagat, at napipilan sa pampang ang mga Tagapulong-Timog na magiging mga magdaragat, hindi sila nagbago ng anyo, hindi sila nagkakaliskis at lumangoy parang isda upang makapaglakbay sa dagat. Gumawa na lamang sila ng bangka.

Ang Ating Pinagmulan

Sino Ba Tayo?
Puwit ng Ita, di makita
- Tukso ng mga bata

MAY MGA Pilipinong may pagka-Hapon, pagka-India [Bumbay] o iba pang lahi [sa bilangan nuong 1990, natuklasang may mga taga-Zambia at taga-Monaco sa Pilipinas], ngunit kaunti lamang sila at munti ang bahagi nila sa bayan. Ang 4 na pinakamalaki ay ang Negrito, ang mga Magdaragat [Austronesians], ang Español at ang Amerkano. Tatalakayin silang isa-isa sa mga susunod na yugto.
Negrito, sabi ng Español, ang munting Negro, mukhang pygmy ng Africa, pandak, maitim, kulut-kulot ang buhok, natuklasan sa pulo na pinangalanang Negros, sa tabi ng Panay. Ngunit wala silang kaurian sa mga Obongo, Akka at Batwa, ang mga pigmy ng Africa. Hindi na rin tinatanggap ng mga Pilipinong tagasaliksik [researchers] at tagasalaysay [historians] ang taguri sa mga Aeta, Ati at iba pang tinawag na Negrito dati.
Nuong kauna-unahan pa, 2 na ang uri ng Negrito: Ang mga taong-gubat at ang mga taga-dalampasigan. Kapwa nakauri ng maraming pangkat galing sa Indonesia, Malaysia, Vietnam at China, ngunit lubhang higit nakaugnay ang mga taga-dalampasigan at sila ay nasanib na sa karamihan at hindi na tangi, naging pangkaraniwang Pilipino na lamang.
Ang mga taong-gubat, ang gamay turingan ngayong Negrito, ay hindi lamang nakaugnay kundi ginaya pa ng ilang pangkat-pangkat galing sa Indonesia at Malaysia, marami ay mula Borneo, na kinalimutan na ang pagdaragat at nangahoy na rin sa mga bundok. Ayaw sumanib sa nakararami, ayaw sumamba sa mga bagong panginoon, ayaw sumunod sa mga bagong gawi at ugali ng mga nagsasapi-saping mga baranggay na unti-unting nagiging nayon, kabayanan, lalawigan at bayan. Marami sa kanila ay umiiwas sa kapwa nilang taong-gubat. Pamilyang Mangyan
Silang lahat ngayon ang itinuturing na Negrito, ang mga napag-iwanan, ang mga ibang gawi, ang mga hindi sibilisado, ang mga primitibo. Ang mga Aeta ng Luzon, ang mga Ati ng Visayas, ang mga Mangyan ng Mindoro at ang mga pangkat sa Mindanao, Palawan at katabing pulo-pulo ng Calamian. Isinama na rin ang mga Igorot kahit na pirmihan silang nanirahan sa mga bara-baranggay dahil ilang daang taon silang pilit humiwalay sa mga kalapit.
Maliban sa mga Igorot, ang mga Negrito ay namumuhay sa pagkakaingin, pangangahoy sa gubat, at pamimitas ng mga halaman at prutas sa paligid. Sumasampalataya sila sa kanilang mga ninuno, naniniwala sila sa mga espiritu sa gubat, at panalig sila na lahat ng mga bagay sa paligid ay may kani-kanilang kaluluwa, ang mga puno, tubig, ulap, hayop, pati na ang mga ginagawa nilang gamit at inuukit na estatuwa ay nagkakaroon ng kaluluwa.
Mahigit 100,000 na lamang ang hiwa-hiwalay na Mangyan sa Mindoro: Ang mga Alangan, Bangon, Batangan, Buhid, Iraya, Nauhan, Ratagnon, Tagaydan at ang Hanuno. Dati silang palaboy sa dalampasigan ngunit naitaboy sa mga gubat at bundok ng mga dayo. Sa liblib sila naglalagi, sa karaniwang 10 - 20 maliliit na kubong magkakatabi. Ang bawat kubo ay bahay ng ilang pamilyang magkakamag-anak; bata nag-aasawa ang mga babae, madalas kasama sa bahay ang kanilang mga ina. Nabubuhay sila sa kamote, gabi, saging at iba pang gulay na tanim sa paligid. May ibang nag-aalaga ng baboy at manok; mahilig magnga-nga, pati mga babae. Wala silang kinikilalang pinuno, ang mga matatanda ang nagpapayo sa kanilang buhay-buhay. Kapag nagkakasakit, ang lunas lamang nila ay pag-awit at pagdasal ng matandang may galing makipag-ugnay sa mga kaluluwa at espiritu sa paligid. Kapag may namatay, ililibing sa tabi at gagawa ng bagong kubo sa malayo, nang hindi mabalam ng kaluluwa ng namatay.
Inaangkin ng mga Hanuno na sila ang tunay na Mangyan; kaiba sila, at hawig sa ibang pangkat sa Mindanao at hinuha na duon sila galing. Marunong silang maghawi ng tela, karaniwang nagdadamit ng makukulay, gumagawa ng mga gamit mula sa rattan at kawayan; gumagawa rin sila ng kuwintas at ibang alahas. Marunong silang bumasa, gamit ang sariling baybayin na may 48 titik, - inuukit nila sa kawayan, kahoy o mga gamit tugtugin. Mangyan aral
Urukay ang tawag nila sa mga aral na inaawit ng mga matatanda tuwing may kasiyahan o pagdiriwang; ambahan, hawig sa bugtong, ang gamit naman ng mga kabataan sa pagliligawan.
Gumagawa sila ng gamit tugtugin mula sa kahoy at buhok ng tao - ang gitarang kudyapi na may 6 na buhok, ang violin tawag na gitgit na may 3 buhok, ang kawayang pito, kinaban [flute sa English], at ang marimba na tinawag na kalutang.
Sinasabing dinatnan ng mga Mangyan ang mga Negrito sa Mindoro 600 - 700 taon SN at, naitaboy man nila mula sa mga dalampasigan, hindi naman nila inapi at kuway nakipagkalakal pa, lalo na ang mga gintong iniluluwas ng mga Negrito mula sa bundok. Ang ginto ang naging batayan ng kalakal ng mga Mangyan sa mga nagpapabalik-balik na Intsik nuong kaharian ng Sung at ng Ming nuon ika-13 sandaang taon [13th century]. Hinayag ng mga Intsik ang kalakal sa pulo na tinawag nilang Mait, ang pulo ng ginto o Min-o-Lo. Ang kalakal naman ng Intsik, lalo na ang kanilang mga banga at mangkok, ang umakit sa mga taga-ibang pulo na magkalakal sa Mindoro, pati na marahil ang mga Hanuno, kaya masagana ang mga Mangyan hanggang dumating ang mga dayong Muslim na nagtaboy sa kanila sa bundok, gaya ng nangyari sa mga Negrito dati sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Walang sukat ang poot ng mga Español nang matuklasan nilang mga Muslim ang ilang Hanuno nuong ika-16 sandaan taon [16th century] at pinuksa nila hanggang sa looban at bundukin ng Mindoro. Napasamang naapi at nalipol ang lahat ng mga Mangyan at Negrito sa matagal na digmaan. Ngayon, patuloy pa rin ang pagkaapi at pagtataboy sa mga Mangyan ng mga dayo mula sa Luzon at Visayas, at ang pagsira ng mga loggers sa kanilang mga kaingin at pananim sa bundok. Batak tao
Hintay muna: Bakit hindi sabihing tribo sila?
Marami ang gumagamit ng tribo pagtukoy sa mga Negrito ngunit kung tutuusin, ang tribo ay sapin-saping maka-politica [political hierarchy] ng pinuno at mga kabig, ng mga sunud-sunuran [followers], ng mga utusan at, kung gawi, ng mga alipin. Isang malaking dahilan namundok, naggubat at humiwalay ang mga Negrito ay upang makaiwas sa ganuong politica, upang huwag magkaroon ng sinusunod na tagapag-utos. Isang gawi ng mga Negrito ay magpulung-pulo nang pami-pamilya o angkan-angkan [clans] lamang. Ayaw nilang kumilala ng pinuno, kahit na datu. At ayaw din nilang magkumpul-kumpol nang maramihan, dahil marahil sa uri ng pamumuhay na pinili nila, ang magkaingin na sapat magpakain sa pamilya o angkan lamang.
Kaya ang tawag sa kanila bilang lost tribes ay mali, sapagkat hindi sila naging tribo kahit kailan.
May kalakihan ang pangkat-pangkat ng mga Pala-uwan na gumagala sa pulong pinangalanan sa kanila. Nagkakaingin at nanghuhuli ng baboy-damo, gamit ang sibat at sumpak. Marunong silang sumulat at bumasa sa hindi kilalang baybayin na may 16 titik, 3 patinig [vowels] at 13 katinig [consonants]. Mahilig silang umukit ng kahoy [woodcarving] at humawi ng buslo at sisidlan na gawa sa rattan o kawayan. Batak Indo
Unti-unting nawawala ang mga Batak, ilang libo na lamang sila sa hilaga ng pulo ng Palawan, patagu-tago sa gubat, nangangahoy at kumakain ng gabi, gulay at prutas. Mahilig magsabit sa buhok at katawan ng bulaklak, kabibi at makukulay na bato. Magaganda ang hawi nilang buslo at ukit na kawayang pito. Maaaring ilan sa kanila ay anak-anakan [descendants] ng mga Negrito at ng mga dayong Batak mula Sumatra, sa Indonesia, na bantog sa pagiging masalungat at ayaw makisama sa iba, at ayaw sumamba sa Islam. Pilit na sumasamba sa kanilang mga anyitos kahit na mamundok sila at makipag-digmaan sa ibang mga taga-Indonesia. Ipinagmamalaki pa nila ngayon ang kanilang pagiging kakaiba at masalungat.
Ang malalaking pangkat-pangkat ay ang mga Tagbanuwa o Taga-Banwa, ang mga taga-bayan. Pandak, balingkinitan at tuwid ang buhok nila, mahilig sa pula at makukulay na damit, mahusay mag-ukit ng kahoy at maghawi ng sisidlang rattan, kawayan, buri o pandan. Mahilig mag-alahas ang mga babae. Sumasamba sila sa mga anyito na tinatawag nilang mga diwata. Marunong silang bumasa at sumulat, inuukit sa kawayan, gamit ang lumang baybayin mula India. Ifugao
Malungkot ang kinabukasan ng ibang pangkat-pangkat sa Palawan, unti-unti silang nawawala. Ang mga Ken-uy ay mga taga-bundok sa tabi ng Quezon. Ang mga Kalamian ay nalalagas sa mga mga pulong pinangalanan sa kanila, ang Calamianes. Dalawang tao-tao ang naninirahan sa mga kuweba, ang mga Tagabato sa tabing pulo ng Coron, at ang mga Taut-bato o taong bato, sa liblib ng Singnapan. Ang kinakain nila ay mga prutas, gabi, palaka, talangka at paniki. Tuwing nakapatay ng hayop sa pangangahoy, nag-iiwan sila ng munting kahoy o bato na inukit sa hugis ng hayop na pinatay - kapalit ng kakaining hayop.
Ang mga taga-Gitnaang Cordillera, ang tinawag na mga Igorot, ay bantog sa pagkahig at pag-ukit ng mga bundok na ginawa nilang suson-susong taniman ng palay [rice terraces] nuong bago pa ipanganak si Jesus Christ. Dati rin silang bantog sa pagiging mapusok at pagpugot ng ulo ng tao; pagkatapos lamang ng panahon ng Hapon lubusang napigil ang pagpupugot nila. Pugot
Ang lahat ng iba’t ibang pangkat ay tinawag na Igorot, mula sa tawag sa bundok, gulot o gulod, at kinabibilangan ng mga Apayao o Isneg, Kalinga, Kankana-ey, Bontoc, Benguet o Ibaloy, at Ifugao. Mahilig silang uminom ng tanging alak gawa sa kanin [rice wine] na tinawag nilang tapwey [saki ang tawag sa Japan], at pangkaraniwang alak [table wine] gawa sa kamote na tinawag na sabeng. Ayon sa mga Benguet, ang alak ay alay ng kanilang tagapagtanggol na diwata.
Mayroon silang gawi ng pagbabahay nang sama-sama ang mga lalaki sa isang kubong tinawag na dapay ng mga Kalinga, at ato ng mga Bontoc, samantalang ang mga babae ay nasa kahiwalay na kubo, tinawag na egban o olog. Kapag inaanyayahan lamang ng babae maaaring pumasok ang lalaki sa kubo ng mga babae. Karaniwan sa gabi ng pag-ani ng palay, pagkatapos ng buong araw na ligawan at kantiyawan, puno ng lalaki ang egban o olog. Ikinahihiya ng mga Bontoc, ang pinakamarami at pinakamaunlad sa mga Igorot, ang lalaking ayaw pakasalan ang babaing nabuntis.
Hindi kailangang pakasalan, inaako ang anak ng nabuntis ng buong pangkat ng mga Kalinga, ang pinaka-kaiba sa lahat. Ang mga Kalinga ang tanging nakapagpa-iral ng kasunduan ng payapa [peace treaty] sa mga katabi - sa halip ng ulo ng pumatay, binabayaran na lamang ng kalabaw o kayamanan ang mga kamag-anak ng napugutan.
Ang nakihalong maigi sa mga hindi Igorot dahil sa kalakal ng ginto ay ang mga Kankana-ey at ang mga Benguet, namamahay sa paligid ng Baguio City, bantog sa pagluluksa sa patay, umaabot kung minsan ng 2 buwan, kaugnay ng pagsamba sa mga ninuno. Nalimutan na nila ang dati nilang paggawa ng mummy sa kanilang mga patay; may natuklasan bangkay nuong 1908 na mahigit 500 taon ang tanda. Pinagkakasunduan ng mga magulang ang pag-aasawa ng mga anak, madalas bago pa ipanganak ang mga magiging mag-aasawa.
Ang mga Kankana-ey ay bantog sa pagmina ng ginto. Sa halip na magpalay sa rice terraces, mahilig silang magkaingin na lamang, at laging may nakabaong tapwey o alak [mula sa arrach, tawag ng Español sa panglasing na gawa sa kanin] sa ilalim ng kubu-kubo nila. Ang pinakamatanda sa bawat pangkat ang itinuturing na pinuno. Kapag ang mag-asawa ay hindi nagkaanak pagkaraan ng 5 taon, pilit na pinaghihiwalay at ipinakakasal sa iba. Igorot
Ang mga Apayao ang tanging Igorot na hindi sumasamba sa kanilang mga ninuno; sa halip, si Ang labbang ang kanilang panginoon at tagapagtanggol. Sumasamba rin sila sa mga anyito at kaluluwa ng mga bagay sa pali-paligid.
Punggok ngunit matipuno, ang mga Ifugao nuong unang panahon ay hubad-dibdib [topless], babae at lalaki, at tadtad ng tattoo na nagpapalamuti ng kanilang katawan at, sa mga lalaki, nagpapahiwatig kung gaano silang kagaling pumugot ng ulo. Ang mga ulo, dating sinasabit nila sa harap ng kanilang kubu-kubo o kubakob, ay malaking karangalan sa kanilang lipunan [status symbols]. Nuong unang panahon, kinailangang pumugot ng ulo ang binata bago nakapag-asawa. Mahilig silang magsabit ng kuwintas at hikaw, at magsuot ng singsing [porcelas] sa bisig at binti. Mahaba at nakapusod nang kakaiba ang buhok ng mga babae; ang buhok ng mga lalaki ay gupit sa hugis ng bao ng niyog.
Malagkit na kanin, tinatawag nilang diket, ang nais ng mga Igorot; sila malamang ang nagsimula ng pinipig sa Pilipinas, baka pati suman sa lihiya. Dinadagdagan nila ng kamote at sayote ang pagkain, lalo na kung nauubusan sila ng kanin kapag tag-ulan at wala pang ani. Wala silang paki sa pag-aari ng lupa, ngunit dinidigma nila ang simumang umagaw o yumurak sa kanilang tirahan at taniman. Pinagyayaman nila ang kanilang mga palayan, salit-salit ang tanim, at binabayaang tiwangwag nang ilang taon ang tigang na lupa upang “makabawi,” muling maging mataba at mapagyabong.
Kung saan nagmula ang mga Igorot ay pinagtatalunan pa ng mga nag-agham [scientists]. Ang lipunan daw nila ay hawig sa mga Dayak ng Borneo at ilang pulo sa Indonesia. Mayroon ding mga suson-susong palayan sa Japan, timog-silangan ng China, malapit sa timog-tuktok ng Vietnam, at sa magkatabing pulo ng Java at Sunda, sa Indonesia. Kubo Ifugao
Ang mga Igorot, ang sabi, ang malamang unang nagtayo sa Pilipinas ng kubong gawa sa kahoy. Lahat ng ibang kubo ay gawa sa kawayan nuong unang panahon. Isang katangian ng mga kubo ng Igorot ay walang pako: inuukit at nilalapat lamang nila ang mga dugtong ng mga kahoy. Ang bigat ng bahay mismo ang nag-iipit sa mga kahoy upang hindi magkalas-kalas.
Sa buong Silangan, ang mga Hapon lamang ang gumagawa nang ganitong uri ng bahay na kahoy na walang pako. At ang Hapon at ang Igorot, tangi sa buong Asia, ang mahilig kumain ng kaning malagkit; lahat ng ibang tao ay buhaghag na kanin ang ibig. Saka pa, mahilig din ang Hapon sa kanilang saki, ang tapwey ng mga Igorot [rice wine sa English]. Matalinghaga ngunit nakakalito ang isiping may kaugnayan ang mga Igorot sa mga Hapon dahil walang hayag na katibayan maliban sa magilas na kalakal sa mga palayok at banga ng mga Hapon sa Pilipinas mula pa nuong unang panahon at natigil lamang nang ipagbawal ng mga Español.
Isa pang kaguluhan sa usapan ng mga nag-agham: Sa liblib malapit sa sitio Pabatay, sa Potia, silangang Ifugao, may natagpuan nuong 1968 na malaking pader, higit 2 metro ang kapal at 5 metro ang taas. Akala nuon, ito ang sirang Kuta Isabela ng Español na mahigit 200 taon ang tanda ngunit nang napag-aralan ang mga gamit duon, natiyak na 4,000 libong taon ang tanda ng pader. Ano ang ginawa, at bakit nagtayo ng ganoong kalaking pader na bato ang mga taong walang bakal at naninirahan lamang sa mga kubo-kubo?
Ang Unang Tao
Saan ka nanggaling?
Sa balong malalim

- Bugtong Tagalog

ANG lawin, matapos awayin ang panginoon ng dagat, ay lumapag sa isang pulo upang magpahinga. Namataan niya ang isang malaki at matayog na punong kawayan. Pinagtutuka, at nabiyak ang kawayan. Lumabas mula sa biyas si Maganda at si Malakas, ang unang tao sa Pilipinas. [Walang alamat ang mga mahina at maitsura, kaya maaaring akalain na ang magaganda at malalakas ay mga putok sa buho, at ang mga pangit at ang mga payatot ay ipinanganak sa ospital.] Malakas Daw
Sa alamat na ito ng mga Aeta maipapaksa ang kaibahan ng katunayan at katotohanan. Ang katunayan ay matagal nang may tao na sa Pilipinas; ang katotohanan ay hindi pa tiyak kung gaano katagal. May mga gamit na bato [stone tools] na natuklasan sa Cagayan Valley. Kung mapatunayang kapanahon ng mga nakita ring nagbatong buto [fossils] ng rhinoceros, at ng elephas [maliit na elepante] na matagal nang nalipol, masasabing nabuhay sa Pilipinas ang mga kauri ng homo erectus, ang mga unang taong nakakatindig, gaya ng taong Java [Java Man] at ng taong Peking [Peking Man]. Taong Java
Hintay muna: Ano ’yong nagbatong buto? Ano ’yong unang taong nakakatindig? Hindi ba lahat ng tao nakakatindig?
Kapag namatay ang hayop o tao, naaagnas at nagiging lupa muli. Sa tanging mga kalagayan - kapag natabunan ng tamang uri ng basang lupa, at hindi nagambala sa loob ng daan-daang taon - ang mga nalulusaw na buto ay napapalitan ng pinong putik na nag-aanyong tulad ng butong pinalitan. Kapag natuyo ang lupa pagkapalit ng putik sa buto, maaaring tumagal ang mga butong naging bato nang milyon-milyong taon. Sa hugis at laki ng nagbatong buto, natatanto ng mga nakatuklas na dalubhasa kung anong hayop, o tao, ang namatay at, higit na mahalaga, nahuhulaan kung kailan nabuhay o namatay.
Ang kahulugan ng mga unang taong nakatindig ay batay sa paniwalang nagmula sa bakulaw ang tao. Kung ang paniwala ay nilikha ang tao, gaya nila Malakas at ni Maganda, sa kasalukuyang anyo, maaaring lumaktaw sa susunod na yugto, pitikin itong Sino Ba Tayo? Salamat po. Skulls
Nuong 1859 unang ibinunyag ni Charles Darwin ang panukala niya at ni Alfred Russell Wallace na ang mga hayop, at ang tao, ay nagmula sa ibang anyong nilalang at ang kasalukuyang anyo nila ay bunga ng mga pagbabagong kinailangan sa loob ng mahabang panahon. Sa madaling sabi, kapag nagbago ang kalikasan sa isang pook, kailangan ding magbago o mag-evolve ang mga tagaroon upang tuloy mabuhay. Ang mga hindi nagbago ay naglaho, naging extinct. Halimbawa: Kung ang pamumuhay ay nabatay sa paglipad, kailangang magkaroon ng pakpak. Kapag malawak at matagal na nag tag-tuyo [drought] sa isang bahagi ng daigdig, ang mga isdang nabuhay duon sa palangoy-langoy sa tubig ay kinailangang nag-iba ng gawi [namuhay sa lupa], at ng anyo [nagkaroon ng mga paa], upang magpatuloy ng pamumuhay. Ang mga pagbabago ay minana ng mga anak-anakan nila. Evolution
Napakahaba ng paksang ito upang talakayin dito; sapat na lamang sabihing daig na ang mga katibayang naungkat sa nakaraan upang maniwala halos lahat ng mga dalubhasa at mga nag-agham [scientists] sa panukala ng pagbabago, tinawag sa English na Theory of Evolution. Sa panukalang ito, sinasabing ang mga pinakahuling pinagmulan ng tao ay mga nilalang na anyong bakulaw, hukot at hindi lapat ang katawan sa paglakad nang nakatayo sa 2 paa. Tinahak ng mga dalubhasa ang mga patung-patong na pagbabagong kinailangan sa pagganap nito, at isang patong ay ang pagbabago ng paa, baywang at buto sa likod [spine]. Ang mga tao na unang nagka-katawan upang mabuhay nang nakatayo maghapon, araw-araw at habang-buhay, ay tinawag na mga unang taong nakatindig [homo erectus], natuklasan sa 2 bahagi ng Asia at tinawag na taong Java [Java Man] at taong Peking [Peking Man].
Unang natuklasan ang bungo ng taong Java nuong 1861 malapit sa Trinil, sa Java, Indonesia, ni Eugene Dubois at inakalang 700,000 taon ang tanda. Pagkaraan ng 100 taon, nuong 1969, natuklasan ang isa pang bungo ng taong Java sa Sangiran naman, sa Java rin, at natantong 1.7 milyon taon ang tanda. Ang taong Peking ay inakalang kulang-kulang kalahating milyong taon ang tanda matapos natuklasan ang bungo sa China, malapit sa Beijing, ngunit hindi matiyak sapagkat nadurog ang bungo sa bombahan nuong nakaraang digmaan. [Nasabing babae daw ang bungo na natagpuan, kaya ang dapat daw itawag ay Peking Woman, hindi po biro.] Tabon Skull Peking Man
May natuklasang butu-buto ng 3 tao sa kuweba sa Tabon [Tabon cave], sa Palawan, na nabuhay 24,000 taon SN. Sabi ng mga nag-agham sa ninuno [anthropologists] na sila ay taong kasalukuyan [homo sapiens] at hindi mga unang tao. Maaari daw na kauri sila ng mga unang katutubo o aborigines ng Australia, ang Koori na dumayo mula Asia 60,000 taon nakaraan, at ng Japan, ang Ainu na dumating duon 3 o 4 na libong taon [may nagsasabing 10,000 taon] SN. Ang katunayan ay may tao na sa Pilipinas 24,000 taon SN, kung hindi man higit na maaga pa. Ang katotohanan ay walang nakaaalam kung ano sila, maliban sa hindi sila Negrito. Robert Fox
Ayon kay Robert Fox, isa sa mga nag-agham sa unang Pilipino, may tao na sa Pilipinas kalahating milyon taon SN. Ang mga natuklasang gamit at butu-buto sa Palawan, sabi niya, ay pahiwatig na ginamit ang pulo bilang landas mula sa timog ng mga unang tao, kahit na tantiyang 50,000 taon lamang ang tanda ng mga natuklasan. Hindi raw nagbago ang anyo ng mga gamit na bato mula pa nuong panahon ng bato [Paleolithic Age] na nagsimula 500,000 taon SN kaya, saliw sa pagkakaroon ng taong Java mahigit 1 milyon ang taon SN, maaaring namuhay ang mga ito sa Pilipinas nuong unang panahon.
Hintay muna: Hindi ba Negrito ang unang tao sa Pilipinas? Negrito
Malamang. Baka naman hindi, maaaring may ibang nauna. Ang pinakamatandang katibayan ay ang tao sa Tabon, kaya masasabing ‘katunayan’ na hindi Negrito ang unang tao sa Pilipinas. Ngunit hindi pa matiyak kung kailan dumating ang mga Negrito, kaya hindi pa masasabing ‘katotohanan’ ito. Ang mga gamit na bato na natuklasan sa Cagayan Valley ay maaaring ilang daan libong taon ang tanda. Negrito ba o hindi ang may gawa?
Ang dating sapantaha ay nakarating sa Pilipinas ang Negrito nuong huling tag-ginaw [Ice Age] 30,000 taon hanggang 18,000 taon SN, nang bumabaw ang dagat at nakalakad ang tao sa lupang lumitaw mula Vietnam, Indonesia at Malaysia. Iyon ang sapantaha dahil akala walang alam ang Negritong magbangka o maglakbay sa dagat. Maaaring totoo ang sapantaha, maaaring mali ang akala. Marunong gumawa ng bangka at sagwan ang mga aborigine sa New Guinea at Melanesia, gamit ay palakol at askarol na batong pinatulis, at marunong mamangka nang maghapon. Marunong din kaya ang mga Negrito na gamit din ay bato, at kailan natuto?
Ang katotohanan ay walang may alam kung kailan o kung saan nanggaling ang Negrito. Kung tutuusin, walang patunay na may Negrito o nagkaroon kailan man ng Negrito sa Pilipinas, maliban sa nasa Pilipinas sila. Ngayon at noong matagal na. Walang patunay sapagkat mahirap matunton sa sukal ng gubat ang mga gamit nila, ang pamumuhay nilang palaboy-laboy, walang bahay o pirmihang tirahan, o libingan ng patay.
Sila ang pinaka-hindi-pinansin sa lahat ng tao sa daigdig; sa Pilipinas, iilan na lamang ang natitirang pangkat-pangkat [walang tribo ang mga Negrito; angkan-angkan lamang ang pagsasama-sama nila]. Ang Aeta ng Zambales, Cagayan at Isabela, ang Agta, Arya, Ata at Ati ng Panay at Negros, ang Baluga, ang Batak ng Palawan at ang Mamanuwa ng Mindanao. Ngunit hindi pa nagtagal, sila ang pinakamadanak sa maraming pulo, gaya ng Panay [pinangalanan mula sa tawag nila sa isang halaman, ang aninipay] at ng Negros, pinangalan ng ganuon ng mga Español dahil sa dami nila duon nuon. Batak
Magkakaiba ang kanilang gawi; ang mga Aeta ng Cagayan at Isabela ay mapusok, ang mga Batak ng Palawan ay kimi, maraming bulaklak sa kawatan at patagu-tago sa gubat. Malamang magkakahiwalay at magkakaibang panahon, daan-daan o libu-libong taon ang pagitan, ang pagdating nila sa Pilipinas.
Hintay muna: Saan sila galing, at paano sila nakarating?
Mula sila sa paligid-ligid, at kung totoo ang hinuha na sadyang matagal na sila sa Pilipinas, naglakad lamang sila nuong tag-ginaw. Malamang marami sa kanila ang namangka, kahit na ngayon ay wala silang kaalaman sa pagdaragat, sapagkat ang mga Negrito sa ibang pulo, gaya ng mga taga-Andaman, sa Indian Ocean, ay marunong gumawa ng bangka at maglakbay sa ilog at dagat.
Dahil dito, hindi mapagsasarili ang kasaysayan ng Negrito sa Pilipinas, kailangan tignan ang pali-paligid, ibang pook na maaaring pinanggalingan ng mga Negrito. Maliban sa mga Aeta, may 2 pang malaking pangkat ng mga Negrito: sa Semang, Malaysia, at sa pulu-pulo [archipelago] ng Andaman, sa gitna ng dagat ng India [Indian Ocean] sa tapat ng Myanmar, ang dating Burma.
Mayroon ding katibayan sa Vietnam na Negrito ang unang tao duon. May mga bungo na nahukay na 25 o 50 libong taon ang tanda. May mga alamat sa Myanmar ng mga taong pandak, maitim at may buhok na kulut-kulot na kumakain ng tao, na nanirahan sa tabi ng mga ilog at dagat duon nuong unang panahon.
Ang mga Negrito sa Andaman lamang ang tanging napahiwalay nang matagal sa ibang tao dahil nasa gitna sila ng dagat ng India [Indian Ocean]. Kinukuro na kung sila ay susuriin, sila ang makapagpapatibay na nakarating nga sa Asia ang mga ninuno ng mga taong kasalukuyan [homo sapiens] mula Africa. Ayon sa kurukuro, kung mapapatunayan ito, masasabing unang nakarating ang Negrito sa Asia 100,000 taon SN sapagkat iyon ang panahong dumanak sila sa timog China at baka sa India rin.
Ang mga Negrito sa ibang lugar, gaya ng Vietnam, Pilipinas, Malaysia at Indonesia, ay nahaluan na ng ibang tao, naging mestizo, at naging pangkaraniwang mamamayan na, gaya ng mga taga-Melanesia, Papua at New Guinea. Ganito ang nangyari sa Negrito, maliban sa nalalabing angkan-angkan, pangkat-pangkat. Gaya ng mga Batak na patago-tago sa gubat at isa-isang nawawala, ang karamihan ay nagkaugnay at napasama na sa ibang pangkat.
Hintay muna: Ano ang tag-ginaw o Ice Age? Bakit bumabaw ang dagat? Paano nakalakad mula Vietnam at Indonesia? Landbridge
Karaniwang mainit sa buong daigdig, madalas ay walang yelo, at tumutubo ang puno at halaman kahit na sa dulong hilaga [North Pole] at dulong timog [South Pole]. Ngunit mula nuong 600 milyon taon SN, nang wala pang tao sa daigdig, nagsimulang magkaroon tuwing 200 milyong taon ng tag-ginaw [Ice Age] na tumatagal ng milyong taon, minsan ilang dosenang milyong taon. Kasalukuyang pinagtatalunan pa kung bakit o paano gumiginaw.
Sa tag-ginaw, hindi gaanong lumalamig sa Equator ngunit nagiging malamig ang ilalim ng dagat at natatakpan ng makapal na yelo ang magkabilang dulo, hilaga at timog, ng daigdig. Ang Artic sa dulong hilaga, ang buong Canada at ang hilagang America, ang hilaga ng Europa at ng Asia, at ang Antartica sa dulong timog. Dahil sa dami ng tubig na nabibinbin sa ibabaw ng mga kontinente at hindi bumabalik sa dagat, nagiging mababaw ang mga dagat.
Sinasabing ngayon ay kasalukuyang tag-ginaw - may makapal na yelo pa sa magkabilang dulo ng daigdig, ang Artic at ang Antartic - na nagsimula 3 milyon taon SN. Nang katindihan ng tag-ginaw 20,000 taon SN, lagpas isang kilometro ang kapal ng yelo sa ibabaw ng Canada at America, at bumaba ang dagat nang mahigit 100 metro. Sa maraming lugar sa paligid ng Pilipinas, mistulang ‘nawala’ ang dagat, at mula nuong 30,000 SN, lumitaw ang mga kalatagan at mga gulod na nagkabit ng Pilipinas sa Malaysia, Indonesia, Vietnam at sa China mismo. Nuon, ayon sa sapantaha, dumanak ang mga Negrito mula Borneo at sa loob ng 12,000 taon, kumalat sa buong Pilipinas. Andaman
Sa loob ng milyon-milyong taon ng tag-ginaw, nagkakaroon ng ilan-ilang tag-init [global warming], tumatagal nang libu-libong taon naman, at nalulusaw ang yelo at unti-unting tumataas muli ang tubig. Sinasabing ngayon ay kasalukuyang tag-init sa loob ng tag-ginaw - mula nuong 18,000 taon SN, nagsimulang matunaw ang mga yelo sa ibabaw ng mga kontinente, at nagbalik ang dagat. Ang paisa-isang lupa ay naging marami nang lumubog muli ang mga gulod at kalatagan, unti-unting pagkalunod na naaalaala pa ng mga tao at inaawit pa hanggang ngayon sa Java, Indonesia:
Pagkaraan ng 3 libong tag-ulan, magkakasama muli ang mga pulo ng Silangan...

EMPATHY

BIODIVERSITY: INCULCATING THE CULTURE OF DIFFERENCE


EMPATHY


He prayed – it wasn’t my religion.
He ate – it wasn’t what I ate.
He spoke – it wasn’t my language.
He dressed – it wasn’t what I wore.
He took my hand – it wasn’t the color of mine.
But when he laughed – it is how I laughed, and when he cried – it is how I cried.

Linggo, Abril 15, 2012

Konseho ng mga Bayani



Pagdiriwang ng Ika-113 taon ng Kalayaan ng Pilipinas


Hunyo 22, 2010








Konseho ng Mga Bayani








Tema: “Kalayaan Natin Ngayon, Pagsisikap Nila Noon”








(Isang Pag-aanalisa sa kasalukuyang Kalagayan ng Kalayaan ng Bansa mula sa mapanuring mata ng ating mga Bayani.)





Ni:


G. Romeo M. Mangabat Jr.


Superbisor, Lawak Araling Panlipunan





Panimula: (Ang Pagpasok ng mga kulay ng watawat)


Awit: Ako ay Pilipino


Ako Ay Pilipino

Ako ay Pilipino
Ang dugo'y maharlika
Likas sa aking puso
Adhikaing kay ganda
Sa Pilipinas na aking bayan
Lantay na Perlas ng Silanganan
Wari'y natipon ang kayamanan ng Maykapal

Bigay sa 'king talino
Sa mabuti lang laan
Sa aki'y katutubo
Ang maging mapagmahal

CHORUS:
Ako ay Pilipino, 
Ako ay Pilipino
Isang bansa isang diwa
Ang minimithi ko
Sa Bayan ko't Bandila
Laan Buhay ko't Diwa
Ako ay Pilipino,
Pilipinong totoo
Ako ay Pilipino,
Ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino
Ang Pilipino ay Ako!



Ang watawat – simbolo ng ating pagkabansa. Ang kulay asul ay sumisimbolo sa kapayapaan, ang pula ay katapangan, at ang puti ay kalinisan. Ang walong sinag ng araw ay kumakatawan sa unang walong lalawigan na nag-aklas laban sa mga Kastila. Ang tatlong bituin ay ang pagbubuo ng Luzon, Vizayas at Mindanao.


Marcela Agoncillo: Habang aking tinatahi ang watawat ng bansa kasama ng aking anak na si Lorenza  at pamangkin ni Dr. Rizal na si Josefina, binuo ko sa aking isipan ang larawan ng Pilipinas na malaya, payapa at maunlad. Bawat turok ng karayom sa himaymay ng telang aking pinag-iisa – ay dalangin na patuloy itong malayang wawagayway dahil ito ay pinakaingatan ng mga sumunod na henerasyon.


Lorenza: Tulong tulong sa pagbuo, magkakaagapay upang matamo, inaasam na kalayaan, dinadalangin kay Hesu Kristo.


Josefina: Tangan sa aking kalooban ang pangangalaga kay inang bayan, maging sa malayong lugar laman ng puso’t isipan.


Ang watawat simbolo ng ating pagkabansa, simbolo ng ating pagkatao, simbolo n gating kalayaan


Andres Bonifacio:


Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa Tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.


Pagpupuring lubos ang palaging hangad
Sa bayan ng taong may dangal na ingat,
Umawit, tumula, kumanta't sumulat,
Kalakhan din niya'y isinisiwalat.


Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
Dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod,
Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot.


Bakit? Alin ito na sakdal ng laki,
Na hinahandugan ng buong pagkasi,
Na sa lalong mahal nakapangyayari,
At ginugulan ng buhay na iwi?


Ay! Ito'y ang Inang Bayang tinubuan:
Siya'y ina't tangi sa kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanang ng araw
Na nagbigay-init sa buong katawan.





Andres Bonifacio: Malaya! Malaya! Kalayaan niyo ngayon, pagsisikap namin noon. Ah! 113 taon na pala ang nakararaan. Ano na ba ang lagay ng ating bansa ngayon? Malaya ba tayo? Kalayaan bang maituturing ang tinatamasa niyo ngayon? May kinahinatnan ba ang pakikipaglaban naming noon?


(Pagpatay kay Dr. Jose Rizal)


Dr. Jose Rizal: (habang naglalakad)





Huling Paalam


Paalam, sintang lupang tinubuan,
bayang masagana sa init ng araw,
Edeng maligaya sa ami’y pumanaw,
at perlas ng dagat sa dakong Silangan.

Inihahandog ko ng ganap na tuwa
sa iyo yaring buhay na lanta na’t aba;
naging dakila ma’y iaalay rin nga
kung dahil sa iyong ikatitimawa.

Ang nanga sa digmaan dumog sa paglaban
handog din sa iyo ang kanilang buhay,
hirap ay di pansin at di gunamgunam
ang pagkaparool o pagtagumpay.

Bibitaya’t madlang mabangis na sakit
o pakikibakang lubhang mapanganib,
pawang titiisin kung ito ang nais
ng baya’t tahanang pinakaiibig.


Sintang Pilipinas, lupa kong hinirang,
sakit ng sakit ko, ngayon ay pakinggan
huling paalam ko't sa iyo'y iiwan
ang lahat at madlang inirog sa buhay.


Paalam anak, magulang, kapatid,
bahagi ng puso’t unang nakaniig,
ipagpasalamat ang aking pag-alis
sa buhay na itong lagi ng ligalig.

Paalam na liyag, tanging kaulayaw,
taga ibang lupang aking katuwaan;
paaalam sa inyo, mga minamahal;
mamatay ay ganap na katahimikan.





Dr. Jose Rizal: Ang sakit ba ng lipunan noon ay sakit pa rin ng pamayanan niyo ngayon? Hindi pa rin ba maaaring salingin ang mga maling nakasanayang gawain sa loob ng ating kultura?


(Bago Barilin) “Ako ay mamamatay na di ko nasisilayan ang bukang liwayway sa bayan kong minamahal……….


Si Rizal ay haligi ng bayan. Huwaran ng ating pagkamamamayan. Ipagbunyi ang kanyang buhay at mga ambag sa lipunan sa ika-150 pagdiriwang ng kayang buhay.





Lupang Hinirang


Bayang magiliw
Perlas ng silanganan
Alab ng puso
Sa dibdib mo'y buhay

Lupang Hinirang
Duyan ka nang magiting
Sa manlulupig
Di ka pasisiil

Sa Dagat at bundok sa simoy
At sa langit mo'y bughaw
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal
Ang kislap ng watawat mo'y tagumpay na nagniningning
Ang bituin at araw niya'y kailanpama'y di magdidilim

Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta
Buhay ay langit sa piling mo
Aming ligaya nang pag
May mang-aapi
Ang mamatay ng dahil sayo



Julian Felipe: Bawat titik na aking isinulat laging tangan ko sa aking puso’t isipan ang pagmamahal at pagpapahalaga ko kay inang bayan. Bayang magiliw, perlas ng silanganan, alab ng puso, sa dibdib mo’y buhay. Sana ay buhay pa sa puso ng bawat isa sa atin ang pag-ibig sa ating tinubuang lupa.


Jose Palma: Himig ng pag-ibig at pagmamahal sa kalayaan ang simbolo ng bawat nota na aking tinitimbang. Animo’y hanging malamig na pumawi sa init kong nararamdaman ang kumpas, diin at tono na tila sumasayaw. Pagmamahal pa rin sa bayan ang tanging nararamdaman at hindi na iyon magbabago magpakailan pa man.


Mga bayani  ngayon ay magtatanong. Susurin at sisiyasatin ang lagay natin ngayon.


Emilio Aguinaldo Inaugural Address


“We are no longer insurgents; we are no longer revolutionists; that is to say armed men desirous of destroying and annihilating the enemy. We are from now on Republicans; that is to say, men of law, able to fraternize with all other nations, with mutual respect and affection. There is nothing lacking, therefore, in order for us to be recognized and admitted as a free and independent nation.”


Emilio Aguinaldo: Matagal akong nabuhay pagktapos ng himagsikan. Pinamunuan ko ang republika at pinagka-ingatan ko ito. Nakita ko ang pagbabago ng buhay ng mga kababayan ko, mula sa pagiging kolonya hanggang sa pagsikat ng bukang liwayway. Mahirap ang kalagayan ng bansa noong panahon ng rebolusyon at pagkatapos ay mahirap pa din, ngunit mababakas mo ang ingti at kaligayahan sa mga nagsusumikap mong kababayan. Kahit mahirap pursigido pa din makaahon. Pursigido rin ba kayo ngayon na magkaroon ng pagbabago at pag-unlad para kay inang bayan?





Sa Bayang Filipinas


Baga mat mahina at akoy may saquit kinusa ng loob, bayang inibig na ipagparali ang laman ng dibdib di na alintana ang madlang ligalig.


Sa panahong itong kahigpitang sakdal ay dapat itaya ang layaw at buhay, sa pagka’t di natin dapat pabayaan iba ang kumabig ating kapalaran.


Tingni’t nagdadaang halos magpangabot mga kababalaghang pakita ng Dios, tingni yaong bayang palalo at hambog dahil sa ugaling ipinagbabantog.


Sapagkat ng una’y kaniyang nasasakupan malalaking bayang nadaya’t nalalang, kaya naman ngayo’y pinagbabayaran ang nagawang sala sa sangkatauhan.


Talastas ko’t walang kamahalang sadya sino mang magsaya sa ibang sakuna; nguni’t lalong talos na di naaakma na sa bayang iya’y makisalamuha.


Pinaghihimas ka at kinakapatid kapag sa sakuna siya’y napipiit; nguni’t kung ang baya’y payapa’t tahimik aliping busabos na pinaglalait.


Ah! pag nakipag-isa sa naturang bayan gagamit ka ng di munting kaul-ulan o kun dili kaya’y magpapakamatay, pag hindi sa utos ng Dios sumuay.





Apolinario Mabini: Sa aking kalagayan noong panahon ng rebolusyon nagawa kong ipaglaban ang ating minimithin layon. Ang talas ng pag-iisip ay ginawa kong armas, laban sa mga mapang-aping dayuhang sa nayon ay sumakop. Ngayon ba ay ganun din ang iyong ginagawa - talino at aking kakayahan ay ginagamit ba para sa bansa? Pilipino ba o dayuhan ang pinaglilingkuran ng mga kababayan nating pinagkalooban ng maykapal ng aking katalinuhan?





(akda ni Jacinto) Kartilya ng Katipunan



Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kun di damong makamandang.

Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili, at hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.

Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang gawa, ang pagibig sa kapua at ang isukat ang bawat kilos, gawa't pangungusap sa talagang katuiran.

Maitim man at maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay: mangyayaring ang isa'y higtan sa dunong, sa yaman, sa ganda..., ngunit di mahihigtan sa pagkatao.





Emilio Jacinto: Aral! Mabuting aral ang laman ng kartilya na aking isinulat. Isinaad ko ang batayan ng buhay na may pinaguukulan. Sa inyong panahon ngayon -buhay pa ba ang konsepto ng moralidad sa iyong lipunang ginagalawan? Saan niyo ba inaatan ang iyong buhay?


Juan Luna: Kung aking ipipinta ang mukha ng lipunang Pilipino ngayon ito ay magiging kahawig ng tema ng Spolarium, ngunit hindi mga sundalong namatay na hinihila pagkatapos ng panuuring labanan ang makikita kundi mga bangkay ng mga bagong bayaning iniuwi sa kay Ina Bayan na walang buhay. Ganun ba ang pagpapahalaga niyo sa mga kababayan nating naging gulugod ng ekonomiya ng ating bansa? Kulay ban g pighati at paghihirap ang patuloy kung ipipinta?





M.H. Del Pilar ( Dasalan at toksohan)


Ang Aba Po Santa Baria


Aba po Santa Bariang Hari, inagao nang Fraile, ikao ang kabuhayan at katamisan. Aba bunga nang aming pauis, ikaw ang pinagpaguran naming pinapanaw na tauong Anac ni Eva, ikaw nga ang ipinagbubuntonh hininga naming sa aming pagtangis dito sa bayang pinakahapishapis. Ay aba pinakahanaphanap naming para sa aming manga anak, ilingon mo sa aming ang cara- i cruz mo man lamang at saka bago matapos ang pagpanaw mo sa amin ay iparinig mo sa amin ang iyong kalasing Santa Baria ina nang deretsos, malakas at maalam, matunog na guinto kami ipanalangin mong huag magpatuloy sa aming ang manga banta nang Fraile. Amen.





Marcelo H. Del Pilar: Simbahan at pamahalaan – hanggang saan ba ang hangganan? Hanggang ngayon ba naman hindi pa magkaintindihan. Mag-usap at magkasundo para maisaalang-alang ang kapakanan ng mga mamamayan.


Graciano Lopez-Jaena: Matagal na ang alitang yan. Sa panahon ngayon dapat lang pahalagahan ang kapakanan ni Juan at kalimutan na ang bangayan. Lagi sanang pakaisipan na ang pagkakaisa ang solusyon sa lahat ng problemang kinakaharap ng ating bayang sa ngayon. Kalayan ninyo ngayon ay bunga ng pagsisikap naming noon. Sana ay magsikap rin kayo ngayon para ang mga susunod na henerasyon ay may tatamasaing pagbabago at pag-unlad katulad ng sitwasyon ninyo ngayon.





May Isang Bulaklak


Ni Juan Silos Rondalla ( Maririnig sa youtube.com)