Pagdiriwang ng Ika-113 taon ng Kalayaan ng
Pilipinas
Hunyo 22,
2010
Konseho ng Mga Bayani
Tema:
“Kalayaan Natin Ngayon, Pagsisikap Nila Noon”
(Isang Pag-aanalisa sa kasalukuyang Kalagayan ng Kalayaan
ng Bansa mula sa mapanuring mata ng ating mga Bayani.)
Ni:
G. Romeo M. Mangabat Jr.
Superbisor, Lawak Araling Panlipunan
Panimula:
(Ang Pagpasok ng mga kulay ng watawat)
Awit:
Ako ay Pilipino
Ako Ay Pilipino
Ako ay Pilipino
Ang dugo'y maharlika
Likas sa aking puso
Adhikaing kay ganda
Sa Pilipinas na aking bayan
Lantay na Perlas ng Silanganan
Wari'y natipon ang kayamanan ng Maykapal
Bigay sa 'king talino
Sa mabuti lang laan
Sa aki'y katutubo
Ang maging mapagmahal
CHORUS:
Ako ay Pilipino,
Ako ay Pilipino
Isang bansa isang diwa
Ang minimithi ko
Sa Bayan ko't Bandila
Laan Buhay ko't Diwa
Ako ay Pilipino,
Pilipinong totoo
Ako ay Pilipino,
Ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino
Ang Pilipino ay Ako!
Ako ay Pilipino
Ang dugo'y maharlika
Likas sa aking puso
Adhikaing kay ganda
Sa Pilipinas na aking bayan
Lantay na Perlas ng Silanganan
Wari'y natipon ang kayamanan ng Maykapal
Bigay sa 'king talino
Sa mabuti lang laan
Sa aki'y katutubo
Ang maging mapagmahal
CHORUS:
Ako ay Pilipino,
Ako ay Pilipino
Isang bansa isang diwa
Ang minimithi ko
Sa Bayan ko't Bandila
Laan Buhay ko't Diwa
Ako ay Pilipino,
Pilipinong totoo
Ako ay Pilipino,
Ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino
Ang Pilipino ay Ako!
Ang
watawat – simbolo ng ating pagkabansa. Ang kulay asul ay sumisimbolo sa
kapayapaan, ang pula ay katapangan, at ang puti ay kalinisan. Ang walong sinag
ng araw ay kumakatawan sa unang walong lalawigan na nag-aklas laban sa mga
Kastila. Ang tatlong bituin ay ang pagbubuo ng Luzon, Vizayas at Mindanao.
Marcela
Agoncillo: Habang aking tinatahi ang watawat ng bansa kasama ng aking anak na
si Lorenza at pamangkin ni Dr. Rizal na
si Josefina, binuo ko sa aking isipan ang larawan ng Pilipinas na malaya,
payapa at maunlad. Bawat turok ng karayom sa himaymay ng telang aking
pinag-iisa – ay dalangin na patuloy itong malayang wawagayway dahil ito ay
pinakaingatan ng mga sumunod na henerasyon.
Lorenza:
Tulong tulong sa pagbuo, magkakaagapay upang matamo, inaasam na kalayaan,
dinadalangin kay Hesu Kristo.
Josefina:
Tangan sa aking kalooban ang pangangalaga kay inang bayan, maging sa malayong
lugar laman ng puso’t isipan.
Ang
watawat simbolo ng ating pagkabansa, simbolo ng ating pagkatao, simbolo n
gating kalayaan
Andres
Bonifacio:
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa Tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa Tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Pagpupuring lubos ang palaging hangad
Sa bayan ng taong may dangal na ingat,
Umawit, tumula, kumanta't sumulat,
Kalakhan din niya'y isinisiwalat.
Sa bayan ng taong may dangal na ingat,
Umawit, tumula, kumanta't sumulat,
Kalakhan din niya'y isinisiwalat.
Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
Dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod,
Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot.
Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
Dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod,
Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot.
Bakit? Alin ito na sakdal ng laki,
Na hinahandugan ng buong pagkasi,
Na sa lalong mahal nakapangyayari,
At ginugulan ng buhay na iwi?
Na hinahandugan ng buong pagkasi,
Na sa lalong mahal nakapangyayari,
At ginugulan ng buhay na iwi?
Ay! Ito'y ang Inang Bayang tinubuan:
Siya'y ina't tangi sa kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanang ng araw
Na nagbigay-init sa buong katawan.
Siya'y ina't tangi sa kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanang ng araw
Na nagbigay-init sa buong katawan.
Andres
Bonifacio: Malaya! Malaya! Kalayaan niyo ngayon, pagsisikap namin noon. Ah! 113
taon na pala ang nakararaan. Ano na ba ang lagay ng ating bansa ngayon? Malaya
ba tayo? Kalayaan bang maituturing ang tinatamasa niyo ngayon? May kinahinatnan
ba ang pakikipaglaban naming noon?
(Pagpatay
kay Dr. Jose Rizal)
Dr.
Jose Rizal: (habang naglalakad)
Huling Paalam
Paalam, sintang
lupang tinubuan,
bayang masagana sa init ng araw,
Edeng maligaya sa ami’y pumanaw,
at perlas ng dagat sa dakong Silangan.
Inihahandog ko ng ganap na tuwa
sa iyo yaring buhay na lanta na’t aba;
naging dakila ma’y iaalay rin nga
kung dahil sa iyong ikatitimawa.
Ang nanga sa digmaan dumog sa paglaban
handog din sa iyo ang kanilang buhay,
hirap ay di pansin at di gunamgunam
ang pagkaparool o pagtagumpay.
Bibitaya’t madlang mabangis na sakit
o pakikibakang lubhang mapanganib,
pawang titiisin kung ito ang nais
ng baya’t tahanang pinakaiibig.
bayang masagana sa init ng araw,
Edeng maligaya sa ami’y pumanaw,
at perlas ng dagat sa dakong Silangan.
Inihahandog ko ng ganap na tuwa
sa iyo yaring buhay na lanta na’t aba;
naging dakila ma’y iaalay rin nga
kung dahil sa iyong ikatitimawa.
Ang nanga sa digmaan dumog sa paglaban
handog din sa iyo ang kanilang buhay,
hirap ay di pansin at di gunamgunam
ang pagkaparool o pagtagumpay.
Bibitaya’t madlang mabangis na sakit
o pakikibakang lubhang mapanganib,
pawang titiisin kung ito ang nais
ng baya’t tahanang pinakaiibig.
Sintang Pilipinas,
lupa kong hinirang,
sakit ng sakit ko, ngayon ay pakinggan
huling paalam ko't sa iyo'y iiwan
ang lahat at madlang inirog sa buhay.
sakit ng sakit ko, ngayon ay pakinggan
huling paalam ko't sa iyo'y iiwan
ang lahat at madlang inirog sa buhay.
Paalam anak,
magulang, kapatid,
bahagi ng puso’t unang nakaniig,
ipagpasalamat ang aking pag-alis
sa buhay na itong lagi ng ligalig.
Paalam na liyag, tanging kaulayaw,
taga ibang lupang aking katuwaan;
paaalam sa inyo, mga minamahal;
mamatay ay ganap na katahimikan.
bahagi ng puso’t unang nakaniig,
ipagpasalamat ang aking pag-alis
sa buhay na itong lagi ng ligalig.
Paalam na liyag, tanging kaulayaw,
taga ibang lupang aking katuwaan;
paaalam sa inyo, mga minamahal;
mamatay ay ganap na katahimikan.
Dr.
Jose Rizal: Ang sakit ba ng lipunan noon ay sakit pa rin ng pamayanan niyo
ngayon? Hindi pa rin ba maaaring salingin ang mga maling nakasanayang gawain sa
loob ng ating kultura?
(Bago
Barilin) “Ako ay mamamatay na di ko nasisilayan ang bukang liwayway sa bayan
kong minamahal……….
Si
Rizal ay haligi ng bayan. Huwaran ng ating pagkamamamayan. Ipagbunyi ang
kanyang buhay at mga ambag sa lipunan sa ika-150 pagdiriwang ng kayang buhay.
Lupang
Hinirang
Bayang magiliw
Perlas ng silanganan
Alab ng puso
Sa dibdib mo'y buhay
Lupang Hinirang
Duyan ka nang magiting
Sa manlulupig
Di ka pasisiil
Sa Dagat at bundok sa simoy
At sa langit mo'y bughaw
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal
Ang kislap ng watawat mo'y tagumpay na nagniningning
Ang bituin at araw niya'y kailanpama'y di magdidilim
Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta
Buhay ay langit sa piling mo
Aming ligaya nang pag
May mang-aapi
Ang mamatay ng dahil sayo
Perlas ng silanganan
Alab ng puso
Sa dibdib mo'y buhay
Lupang Hinirang
Duyan ka nang magiting
Sa manlulupig
Di ka pasisiil
Sa Dagat at bundok sa simoy
At sa langit mo'y bughaw
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal
Ang kislap ng watawat mo'y tagumpay na nagniningning
Ang bituin at araw niya'y kailanpama'y di magdidilim
Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta
Buhay ay langit sa piling mo
Aming ligaya nang pag
May mang-aapi
Ang mamatay ng dahil sayo
Julian
Felipe: Bawat titik na aking isinulat laging tangan ko sa aking puso’t isipan
ang pagmamahal at pagpapahalaga ko kay inang bayan. Bayang magiliw, perlas ng
silanganan, alab ng puso, sa dibdib mo’y buhay. Sana ay buhay pa sa puso ng
bawat isa sa atin ang pag-ibig sa ating tinubuang lupa.
Jose
Palma: Himig ng pag-ibig at pagmamahal sa kalayaan ang simbolo ng bawat nota na
aking tinitimbang. Animo’y hanging malamig na pumawi sa init kong nararamdaman
ang kumpas, diin at tono na tila sumasayaw. Pagmamahal pa rin sa bayan ang
tanging nararamdaman at hindi na iyon magbabago magpakailan pa man.
Mga
bayani ngayon ay magtatanong. Susurin at
sisiyasatin ang lagay natin ngayon.
Emilio
Aguinaldo Inaugural Address
“We are no longer insurgents; we are no longer revolutionists;
that is to say armed men desirous of destroying and annihilating the enemy. We
are from now on Republicans; that is to say, men of law, able to fraternize
with all other nations, with mutual respect and affection. There is nothing
lacking, therefore, in order for us to be recognized and admitted as a free and
independent nation.”
Emilio
Aguinaldo: Matagal akong nabuhay pagktapos ng himagsikan. Pinamunuan ko ang
republika at pinagka-ingatan ko ito. Nakita ko ang pagbabago ng buhay ng mga
kababayan ko, mula sa pagiging kolonya hanggang sa pagsikat ng bukang liwayway.
Mahirap ang kalagayan ng bansa noong panahon ng rebolusyon at pagkatapos ay
mahirap pa din, ngunit mababakas mo ang ingti at kaligayahan sa mga
nagsusumikap mong kababayan. Kahit mahirap pursigido pa din makaahon. Pursigido
rin ba kayo ngayon na magkaroon ng pagbabago at pag-unlad para kay inang bayan?
Sa Bayang Filipinas
Baga mat mahina at akoy may
saquit kinusa ng loob, bayang inibig na ipagparali ang laman ng dibdib di na
alintana ang madlang ligalig.
Sa panahong itong
kahigpitang sakdal ay dapat itaya ang layaw at buhay, sa pagka’t di natin dapat
pabayaan iba ang kumabig ating kapalaran.
Tingni’t nagdadaang halos
magpangabot mga kababalaghang pakita ng Dios, tingni yaong bayang palalo at
hambog dahil sa ugaling ipinagbabantog.
Sapagkat ng una’y kaniyang
nasasakupan malalaking bayang nadaya’t nalalang, kaya naman ngayo’y
pinagbabayaran ang nagawang sala sa sangkatauhan.
Talastas ko’t walang
kamahalang sadya sino mang magsaya sa ibang sakuna; nguni’t lalong talos na di
naaakma na sa bayang iya’y makisalamuha.
Pinaghihimas ka at
kinakapatid kapag sa sakuna siya’y napipiit; nguni’t kung ang baya’y payapa’t
tahimik aliping busabos na pinaglalait.
Ah! pag nakipag-isa sa
naturang bayan gagamit ka ng di munting kaul-ulan o kun dili kaya’y
magpapakamatay, pag hindi sa utos ng Dios sumuay.
Apolinario
Mabini: Sa aking kalagayan noong panahon ng rebolusyon nagawa kong ipaglaban
ang ating minimithin layon. Ang talas ng pag-iisip ay ginawa kong armas, laban
sa mga mapang-aping dayuhang sa nayon ay sumakop. Ngayon ba ay ganun din ang
iyong ginagawa - talino at aking kakayahan ay ginagamit ba para sa bansa?
Pilipino ba o dayuhan ang pinaglilingkuran ng mga kababayan nating pinagkalooban
ng maykapal ng aking katalinuhan?
(akda
ni Jacinto) Kartilya ng Katipunan
Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kun di damong makamandang.
Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili, at hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.
Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang gawa, ang pagibig sa kapua at ang isukat ang bawat kilos, gawa't pangungusap sa talagang katuiran.
Maitim man at maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay: mangyayaring ang isa'y higtan sa dunong, sa yaman, sa ganda..., ngunit di mahihigtan sa pagkatao.
Emilio
Jacinto: Aral! Mabuting aral ang laman ng kartilya na aking isinulat. Isinaad ko
ang batayan ng buhay na may pinaguukulan. Sa inyong panahon ngayon -buhay pa ba
ang konsepto ng moralidad sa iyong lipunang ginagalawan? Saan niyo ba inaatan
ang iyong buhay?
Juan
Luna: Kung aking ipipinta ang mukha ng lipunang Pilipino ngayon ito ay magiging
kahawig ng tema ng Spolarium, ngunit hindi mga sundalong namatay na hinihila
pagkatapos ng panuuring labanan ang makikita kundi mga bangkay ng mga bagong
bayaning iniuwi sa kay Ina Bayan na walang buhay. Ganun ba ang pagpapahalaga
niyo sa mga kababayan nating naging gulugod ng ekonomiya ng ating bansa? Kulay
ban g pighati at paghihirap ang patuloy kung ipipinta?
M.H.
Del Pilar ( Dasalan at toksohan)
Ang Aba Po Santa Baria
Aba po Santa Bariang Hari, inagao nang Fraile, ikao ang
kabuhayan at katamisan. Aba bunga nang aming pauis, ikaw ang pinagpaguran
naming pinapanaw na tauong Anac ni Eva, ikaw nga ang ipinagbubuntonh hininga
naming sa aming pagtangis dito sa bayang pinakahapishapis. Ay aba
pinakahanaphanap naming para sa aming manga anak, ilingon mo sa aming ang cara-
i cruz mo man lamang at saka bago matapos ang pagpanaw mo sa amin ay iparinig
mo sa amin ang iyong kalasing Santa Baria ina nang deretsos, malakas at maalam,
matunog na guinto kami ipanalangin mong huag magpatuloy sa aming ang manga
banta nang Fraile. Amen.
Marcelo
H. Del Pilar: Simbahan at pamahalaan – hanggang saan ba ang hangganan? Hanggang
ngayon ba naman hindi pa magkaintindihan. Mag-usap at magkasundo para maisaalang-alang
ang kapakanan ng mga mamamayan.
Graciano
Lopez-Jaena: Matagal na ang alitang yan. Sa panahon ngayon dapat lang
pahalagahan ang kapakanan ni Juan at kalimutan na ang bangayan. Lagi sanang
pakaisipan na ang pagkakaisa ang solusyon sa lahat ng problemang kinakaharap ng
ating bayang sa ngayon. Kalayan ninyo ngayon ay bunga ng pagsisikap naming
noon. Sana ay magsikap rin kayo ngayon para ang mga susunod na henerasyon ay
may tatamasaing pagbabago at pag-unlad katulad ng sitwasyon ninyo ngayon.
May
Isang Bulaklak
Ni
Juan Silos Rondalla ( Maririnig sa youtube.com)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento