Biyernes, Abril 6, 2012

Pagdalumat sa Kahalagan ng Pag-aaral ng Kasaysayan

Pagdalumat sa Kahalagan ng Pag-aaral ng Kasaysayan

(Isinulat na talumpati para sa pagdiriwang ng ika-113 na kalayaan ng bansa sa QCAFI)
Ni G. Romeo M. Mangabat Jr.
Bakit ba kailangang pag-aaralan ang kasaysayan? Mayroon bang pagbabagong hatid ang pag-unawang ito sa ating nakaraan? Ito ba’y magbubunga ng pag-unlad ng ating pagkatao? Makakasagot ba ito sa mga kasalukuyang problemang kinahaharap ng ating bansa? O mas mabuting kalimutan na lamang natin ito at tayo ay magpatuloy na mabuhay sa ating kasalukuyan habang tinatanaw ang ating hinaharap.
“Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan”  ayon sa  isang matandang kasabihan sa ating lipunan. Matanda at matagal na nga yan, paulit ulit na naririnig, ngunit ganoon pa din minsan o parati namang nawawaglit sa ating isipan. Anung uri ba nagpaglingon ang nais na ipahiwatig ng kasabihan na nabanggit? Pagkatuto ba sa mga nagdaang mahahalagang pangyayari na nagdulot ng pagbabago sa buhay o pagtanaw ng utang ng loob sa mga taong naging dahilan ng mga pagbabangong naganap sa ating buhay? O parehas? Ang paglingon bang ito ay makakatulong sa ating pagunawa sa kalagayan natin ngayon at tatakbuhin ng ating buhay sa hinaharap? Mahahanap ba natin ang ating pagkatao sa ating nakaraan? Hinasalamin ba nito ang mga bahaging bumuo sa mga pamantayan sa ating lipunan? At maari ba na ang ating pagunawa at pagpapahalag sa ating nakaraan ay magiging daan sa ating muling pagkakaisa?
                “Kung ano ang tingin ay siyang nakikita, kung ano ang nakikita ay siyang nararamdaman at kung ano ang nararamdaman ay siyang ginagawa.”
                Paano mo ba tinitignan ang pag-aaral ng kasaysayan ng ating bansa? Para bang isang magandang dilag ng nakabibighani at nakakapukaw ng atensyon o paraang isang ulam na halos araw –araw ng hinahain sayo dahil sa hirap ng buhay. Dahil kung ang kagandahan ng pagmamahal ng pagunawa sa kasaysayan  ang iyong nakikita iyon din ang iyong mararamdaman at yong din ang iyong pahahalagahan. Sa ating pagdiriwang ng ika-113 taon ng kalayaan n gating bansa, sana ay manatili sa ating isip at puso ang pagmamahal sa ating inang bayan at ang pagpapahalaga sa ating kasaysayan dahil tayo ay produkto n gating nakaraan. Tayong mga Pilipino at hinubog n gating kasaysayan at pinatibay nito ang ating pagpapahalaga sa kalayaan. Mabuhay tayong lahat!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento